MULI nanamang nagkaaberya ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 kaninang umaga.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na nagkaroon ng aberya ang LRT2.
Kaninang ay isang bagon ng tren ang nagkaroon ng problema sa Santolan station sa Pasig City. Nakumpuni ang problema makalipas lamang ang ilang minuto.
“LRT2 is currently implementing provisional service from Anonas to Recto (vice versa) due to defective train at Anonas station. Intervention is on going.”
Noong Lunes ay nagpatupad ng provisional service ang LRT2 at nilimita ang biyahe ng mga tren sa Santolan station hanggang V. Mapa station alas-10:58 ng umaga matapos magkaroon ng problema sa suplay ng kuryente sa Pureza hanggang Recto stations.
Alas-11:34 ng umaga ay naibalik naman sa normal ang suplay ng Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.