Lola sa Sugod Bahay pinaiyak ni Alden: Ako na po ang bahala sa inyong monthly allowance! | Bandera

Lola sa Sugod Bahay pinaiyak ni Alden: Ako na po ang bahala sa inyong monthly allowance!

Jun Nardo - June 12, 2018 - 12:10 AM

ALDEN RICHARDS

HINDI rin nagpakabog ang fans at supporters ni Alden Richards dahil ‘yung episode niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko bilang Jose Rizal ay number one sa trending topic sa Twitter and as of yesterday, humamig na ito ng 472,000 tweets.

Agad nagpasalamat ang Pambansang Bae sa Twitter sa suportang ibinigay sa kanya ng netizens at ng manonood. “Maraming salamat po for trending #ALDENasJoseRizal.”

Positibo rin kasi ang feedbacks sa performance niya kaya si Alden, ganadung-ganado lagi sa taping niya para sa upcoming primetime series niyang Victor Magtanggol.

Noong nakaraang linggo, sa episode naman ni Maine Mendoza sa nasabing GMA Sunday kiddie fantasy program, nagpamalas din ng bagsik sa Twitter ang fans ng Phenomenal Star.

Anyway, hindi lang ang performance ni Alden bilang Jose Rizal ang hinangaan ng publiko.

Sinaluduhan din ang pagtulong na ginawa niya sa isang matandang babae na naging winner sa Saturday episode ng “Sugod Bahay” ng Eat Bulaga.

Hindi na maghuhugas ng plato sa isang karinderya si Lola Alberta dahil suportado na ni Alden ang kanyang montly allowance, huh!

“Nay, kasi may lola din po akong kagaya niyo. Para di na po kayo naghihirap maghugas ng pinggan…para hindi po namamanhid ang kamay niyo, ako na po magpapadala sa inyo ng additional allowance po buwan-buwan para makatulong sa inyo po.

“Para pag maubos man po (sustento), meron pong buwan-buwan na allowance, Nay. Tulong na rin po,” ang pahayag ni Alden kay Lola Alberta na naiyak naman sa pagtulong ng Pambansang Bae.

Pinuri naman ni Jose Manalo ang aktor, “Si Alden po pag nakasama niyo iyan, sa likod ng kamera, ay mabait na bata po talaga. Kasama namin madalas iyan. Maraming humihingi ng tulong sa kanya…pag lumapit si Alden, walang dalawang salita, iaabot niya (ang tulong) sa nangangailangan hangga’t kaya niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eh, kung si Alden ay namamahagi ng sariling paraan sa pagtulong, may isang grupo ng fans naman niyang magdu-donate ng school supplies sa ilang kabataan sa Sampaloc. Hashtag #Goodvibespamore!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending