Payo ng netizens kay Jessy: Sige, bwisitin mo pa sila sa English mo! | Bandera

Payo ng netizens kay Jessy: Sige, bwisitin mo pa sila sa English mo!

Alex Brosas |June 11,2018
facebook
share this

Payo ng netizens kay Jessy: Sige, bwisitin mo pa sila sa English mo!

Alex Brosas - June 11, 2018 - 12:01 AM

“I noticed English lahat ng post ni Madam.”

‘Yan ang reaction ng isang basher kay Jessy Mendiola.

“May Tagalog dyan sa caption sa pic na to,” came Jessy’s reply.

It seems that kahit na ano ay pinupuna si Jessy – mula pananamit, pagkilos hanggang sa pananalita. And now, maging sa kanyang pag-i-English. Parang damn if you do, damn if you don’t ang palaging scenario sa kanya.

With that, marami ang dumepensa kay Jessy.

“Ano naman masama kung madalas mag English si Jessy? Practice make perfect. Way to go Jessy!”

“Haters gonna hate! Hello haters, sad siguro ng mga buhay nyo ‘no? Lahat na lang napapansin nyo.”

“I agree!!! Kung ako si Jessy, gagalingan at dadalasan ko pang mag-English for my self improvement.”

“Go lang ng go sa pagi-inglis JESSY. Bwisitin mo pa sila lalo. Hahaha!”
q q q
Bongga ang vlog ng bida sa Sana Dalawa Ang Puso na si Richard Yap. Pasabog ang kanyang papremyo ng giveaways niya at ang kanyang next pa-raffle ay iPhone8 lang naman.
“Narito na ang winners sa second wave ng giveaways natin! I am happy at nabasa ko ang mga suggestions niyo kung ano pa ang pwede kong gawin sa susunod na vlogs. Abangan dahil sa susunod, iPhone 8 na ang ipaparaffle!” caption niya sa photos ng winners sa kanyang vlog.
“Thanks po ser @iamrichardyap and congrats also sa lahat ng lucky winners!!”
“Congrats more blessings to come sir chief thank u for sharing ur blessing to us.”
“Congrats sana kami naman ang palarin.”
As to the topic na puwede niyang i-discuss sa kanyang vlog ay may suggestions ang followers ng bida ng Sana Dalawa Ang Puso.
“#RichardYap1stVlog Hello po. Sana magkaroon po kayo ng carpool with miss Jodi Sta. Maria. Sia po ung driver at pag usapan ung tanong na hindi pa alam ng ibang tao. Thanks po. More videos pa sana po,” said one fan.
“Kagaya ng mga girls may beauty routine sana next vlog meron din po kayo pogi routines,” said another fan.
Sa Sana Dalawa Ang Puso ay nakikitang nahuhulog na talaga ang loob ni Martin (Richard) kay Mona (Jodi). Madalas silang magkasama at sweet na naman sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending