LizQuen nagising na sa katotohanan, handa nang lumaban | Bandera

LizQuen nagising na sa katotohanan, handa nang lumaban

|June 11,2018
facebook
share this

LizQuen nagising na sa katotohanan, handa nang lumaban

- June 11, 2018 - 12:01 AM

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

SIGURADONG mas ikatutuwa ng LizQuen fans ang mga susunod na eksena sa Primetime Bida series na Bagani sa ABS-CBN.

Ngayong linggo, tutukan ang muling pakikipaglaban nina Ganda (Liza) at (Lakas) sa Hari ng Sa Dako Paroon na si Gaki (Justin Cuyugan) at sa mga kampon nito. Sa teaser ng Kapamilya fantaserye ay ipinakitang nagising na mula sa pagkakahimbing ang dalawang bagani.

Mukhang magtutuos din sina Gaki at Malaya para paglabanan ang kalayaan nina Ganda at Lakas.

Ibabandera na ni Malaya sa demonyong naghahari-harian kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga bihag niyang bagani.

Kailangan n’yo ring abangan ang mga susunod na gagawin ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) para maipagpatuloy ang kanyang mga plano laban sa mga bagani (Matteo Guidicelli, Makisig Morales at Zaijian Jaranilla).

Kasabay naman nito ang binabalak na pagsalakay ng mga tulisan sa pangunguna pa rin ni Matadora (Aiko Melendez) na galit na galit sa ginawang pagtatraydor sa kanya ng kapatid at iba pang kasamahan.

Napapanood pa rin ang Bagani sa ABS-CBN Primetime Bida after Ang Probinsyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending