GMA 7 naglabas ng malaking budget para sa 'Victor Magtanggol' ni Alden | Bandera

GMA 7 naglabas ng malaking budget para sa ‘Victor Magtanggol’ ni Alden

Jun Nardo - June 10, 2018 - 12:15 AM

BUMANDERA sa number one spot ng iTunes Philippines Top Singles last June 7 ang kantang “Super hero Mo” na collaboration ng rap group na Ex Battalion at ni Alden Richards ilang araw lang after ng release nito.

Ang nasabing kanta ang magiging theme song ng upcoming series ng GMA na Victor Magtanggol na pinangungunahan ng Pambansang Bae.

“Congrats ang ganda naman kc ng song,” ayon kay @yozora_05.

“Wow tisoy congrats. Basta love ko kau ni Bibigirl. Ingat kau palagi,” komento naman ni @miramaribeth.

“Galing galing!!! Will support Alden pati ang Victor Magtanggol,” comment ni @shashahing143.

“Congrats @aldenrichards02 and Ex Battalion! So excited to see how the song will complement the show!” sabi ni @jenibaneni86.

Sa totoo lang, bitin na bitin na ang mga supporters ni Alden sa iba pang detalye tungkol sa VM. Tanungan sila nang tanungan kung kailan ba ito eere sa GMA.

May nagsabi naman na sawang-sawa na sila sa mga paulit-ulit na kuwento na napapanood nila sa telebisyon kaya atat na silang mapanood ang Victor Magtanggol.

Basta ang siniguro ng Kapuso Network, all out ang paggastos nila sa family drama, adventure and fantasy series na ito kaya si Alden, buong puso at kaluluwa ring naghahanda para sa ikagaganda ng kanyang pagbabalik sa primetime, huh!

q q q

Rubbing elbows ang Kapuso artist na si Jazz Ocampo sa mga British at American actor na katrabaho niya sa isang international movie ang “Santet.”

Take note na si Jazz ang nag-iisang Pinoy sa cast kaya naman talagang itinayo niya sa movie ang bandera ng Pilipinas!

Tampok sa international film ang kultura ng Indonesia pero iba’t ibang lahi ang kasama rito ni Jazz. Kaya naman super proud siya sa pelikula kaya ang wish niya ay mapanood din ito ng ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang napapanood si Jazz sa My Guitar Princess saan isa siya sa mga nagpapahirap sa karakter ni Julie Anne San Jose pero kapag wala na sa harap ng kamera ay todo bonding sila ng Asia’s Pop Sweetheart at ng iba pang members ng cast.

Kitang-kita sa posts nila sa social media na talagang very close na sila sa isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending