Affordable BellaVita homes para sa lahat ng Pinoy | Bandera

Affordable BellaVita homes para sa lahat ng Pinoy

- June 08, 2018 - 12:12 PM

SA panahon ngayon,  marami pa ring mga Pilipino ang hindi nakikita ang kahalagahan ng pag-iinvest sa house and lot na kung tutuusin ay sila rin ang makikinabangan habambuhay.

Palibahasa kasi hindi ito kasingdali nang pagbili ng mga gadget gaya ng Apple at Samsung smartphones.

May karaniwang pagaakala na ang pagbili ng bagong bahay ay para lamang sa mga tao na may P4 milyon pera sa bangko, kaya ang iba ay hindi na sumusubok na mag-usisa sa pagbili ng bahay.

Pero, good news!

Nagkaroon ang mga real estate companies ng cost and construction innovations para kahit ang mga minimum wage earners ay makapag-invest sa mga land properties.

Isa sa mga sought-after housing projects ngayon ay ang BellaVita na nag-o-offer ng mga affordable house and lots na may reservation fee na P3,500 hanggang P5,000 lamang.

Ang monthly amortization naman na alok ng BellaVita homes ay isa sa pinakamababa sa merkado. Sa halagang P1,980 a month, maaari nang masiguro ang future ng iyong pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling bahay.

Tatlong klaseng units naman ang available: Ang Poli-inner na may maximum selling price na P450,000; Poli-end sa halagang P900,000 at ang Gemelli sa halagang P 1.1 milyon.

Maaari namang matustusan ang BellaVita houses sa pamamagitan ng PAG-IBIG o ng bangko. Maaari ring bayaran ang BellaVita monthly amortization sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier o BPI. For more details please visit  BellaVita Facebook page- https://www.facebook.com/BellaVitaLandCorp/

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending