Pres’l appointee napikon, gustong mag-resign | Bandera

Pres’l appointee napikon, gustong mag-resign

Den Macaranas - June 08, 2018 - 12:10 AM

ANUMANG araw mula ngayon ay posibleng mag-resign na sa kanyang posisyon ang isang presidential appointee.

Bukod sa napaka-kontrobersiyal ng mga isyung kinasasangkutan niya ay pikon na pikon na rin siya sa mga pinuno, na ayon din sa kanya, ay nagpapabaya sa kagawaran na kanyang kinaaaniban.

Una sa lahat ay hindi sila nagkikita ng mata sa mata ng Cabinet Secretary na siyang direktang boss ng tinutukoy nating opisyal.

Sa simula pa lamang daw ay alam na niyang hindi siya welcome sa departamento ni Sir.

Pero wala namang magawa ang Cabinet member dahil sa kanyang tanggapan inilagay ang tinutukoy nating appointee na kilalang suporter ni Pangulong Duterte.

Kamakailan lang ay umabot na sa sukdulan ang galit ng ating bida dahil pinanghimasukan na ng isang Cabinet member ang kanyang personal na diskarte sa mismong tanggapan na kinaaniban.

Nagpatawag kasi ng press conference ang Cabinet member para lamang ipamukha sa ating bida na mali ang diskarte niya sa isyu na ikinapikon naman ng isa ring sikat na personalidad na mula sa kilalang angkan ng mga pulitiko.

Sinabi ng ating bida na isa ring babae na sobra na ang pangmamaliit sa kanya ng mga kapwa opisyal sa pamahalaan.

Bukod sa iniipit ang budget sa opisina ng ating bida ay wala rin itong suporta na nakuha mula sa kanilang mismong opisina.

Tutal ay ganon rin lang naman daw ang turing sa kanya ng mga kasamahan ay mas makabubuti umano na magbitiw na lamang siya sa posisyon.

Pero nilinaw ng ating bida sa kanyang mga tagasuporta na mananatili siyang tapat kay Pangulong Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang presidential appointee na pinag-iisipan na ang pagre-resign sa pwesto dahil sa pressure ng mismong mga kasamahan sa gobyerno ay si Miss M…as in Mucho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending