Drew: Gusto ko namang magkaroon ng kissing scene!
NAGTAWANAN ang mga miyembro ng entertainment media nang sagutin ni Drew Arellano ang tanong kung gusto rin niyang umarte sa pelikula tulad ng ginawa ng broadcast journalist na si Atom Araullo.
Nasuong sa kontrobersiya si Atom nang maglahad ng kanyang saloobin ang direktor niya sa “Citizen Jake” na si Mike de Leon. Nagkaroon ng “word war” sa social media ang dalawa na pinagpiyestahan ng mga netizen.
Sa presscon ng cooking show ng mag-asawang Drew at Iya Villania, ang Home Foodie Season 4, sinagot ng Kapuso host ang tanong kung nais niyang mag-try uli sa akting.
“Alam mo, gusto ko nga, e, para magkaroon ako ng comments sa mga director!” na sinundan ng malakas na tawanan mula sa mga taong nasa presscon.
Hirit pa ng mister ni Iya, “Pero ang pinakagusto ko talaga, na matagal ko na sinasabi sa asawa ko, matagal na, dahil ako palaging host, host, host, sabi ko gusto ko naman magkaroon ng kissing scene… sa kanya…with her pa rin. But kidding aside, no. Probably, I don’t think they’ll like me.
“Even though they would want me to be part of a film, it’s probably not gonna happen. I’m not sure if I can act,” pag-amin ni Drew.
Kung matatandaan, nagsimula si Drew sa pag-arte sa TV, nakasama siya sa dating youth-oriented series ng GMA na Click, kung saan una silang nagkasama ni Iya. Nakagawa rin siya ng ilang pelikula noon kabilang na ang “My First Romance” (2003) at “Spirit of the Glass” (2004).
Nang magseryoso na si Drew, sinabi niyang wala siyang masasabi sa away nina Direk Mike at Atom, “I have no comment because I really don’t know the real story.”
q q q
Samantala, magsisimula na sa darating na June 11 ang season 4 ng Kapuso cooking show na Home Foodie after Unang Hirit.
Makakasama nina Drew at Iya sa programa ang magagaling na chef mula sa San Miguel Foods Culinary Center na sina Llena Tan-Arcenas, Martin Narisma at John Valley.
Ayon sa mag-asawa, mas pina-level up pa ngayon ng San Miguel Purefoods Home Foodie ang mga iluluto at ihahain nilang recipes para sa mga Pinoy na tinawag nilang certified “Madalicious (madali na, delicious pa).”
Nagkakaisang pahayag ng mga Home Foodie chef, “In this season, you will see Drew and Iya’s confidence in the kitchen. They are ever playful and perky while helping the chefs prepare the featured dishes.
“They provide tips and offer Madalicious meal solutions to both TV viewers and to the online community.”
“We are also excited to feature Madalicious Meals inspired by trending dishes from restaurants and new hacks and twists to classic favorites.
“Experience the ultimate food porn and feel the mouthwatering goodness of each Madalicious Meal in every episode as we give the spotlight to food and at the same time showcase the ease and convenience of making the featured dishes,” say pa ng mga chef ng HF.
Mapapanood na ang Home Foodie Season 4 simula sa June 11, sa GMA 7 mula Lunes hanggang Biyernes after Unang Hirit. And yes, kahit buntis na si Iya ay tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.
To know more about Home Foodie and its featured Madalicious Meals, you may log on to www.homefoodie.com or check out the Facebook and Twitter accounts @HomeFoodiePH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.