Bong Go nag-sorry kay Kris sa ginawang pambabastos ni Mocha kina Ninoy at Cory | Bandera

Bong Go nag-sorry kay Kris sa ginawang pambabastos ni Mocha kina Ninoy at Cory

Jun Nardo - June 07, 2018 - 12:25 AM

INIYAK sa banyo ni Kris Aquino ang sakit na naramdaman nang idamay ni Assistant Communications Secretary Mocha Uson ang mga patay nang magulang.

Ito’y para nga depensahan si President Rodrigo Duterte sa mga batikos na kanyang natanggap nang halikan ang isang babaeng OFW sa labi sa nakaraang biyahe nito sa South Korea.

Sumabog ang galit ni Kris kay Mocha sa social media at lumabas ang kanyang pagiging war freak! Pero kahit may nasaktan, hindi ipinapakita ni Kris sa mga anak na sina Joshua at Bimby ang kanyang sama ng loob.

Sa isang video post niya sa Instagram, lumabas ang pagiging ina ni Kris nang handugan ng surprise birthday party ang panganay na si Joshua.

Napansin ng isa niyang follower ang garalgal niyang boses sa audio.

Tugon ni Kris sa netizen, “…sa sobrang iniyak habang nasa banyo para hindi makita nung 2 boys…alam ko bawal umamin na nasaktan kasi alam na ng kalaban kung ano ang gagamitin pero mom ko yun, dad ko yun.

“Nag-flashback lang yung unconditional love na binigay ng mom ko & nonstop talaga yung iyak. But she taught me how to be STRONG – so I shall move forward,” aniya pa.

Bahagi naman ng caption ni Kris sa video, “…kahit ano man ang pinagdaraanan ko – my sons should never carry that burden. #family #home #lovelovelove (Take note you’ll hear bimb ay dedma – now u know bakit nakaapak talaga sa lupa because of these 2 boys.”

Sa isang banda, lumuwag ang dibdib ni Kris nang humingi sa kanya ng sorry sa nangyari si Special Assistant to the President Bong Go.

“In this instance i am Ninoy Aquino’s daughter- he believed in the power of true & honest communication… SA Bong, thank you for your reply.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you for taking my feelings as a daughter into consideration & showing me EMPATHY. I am most grateful for a man as powerful as you are now for texting & vibering me the words ‘we are sorry for the incident.’ You have my sincere gratitude,” mensahe ni Kris kay Bong Go.

As of this writing, wala pang buwelta si Mocha sa birada sa kanya ni Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending