Sunshine Cruz kumita na ng P5M sa negosyo ni Kathy Dupaya
ARAW lang ang pagitan pero magkasunod na nagpatawag ng presscon noong isang linggo ang kampo ni Joel Cruz ng Aficionado at ng babaeng negosyanteng inaakusahan nilang umano’y nang-scam sa kanila.
Nauna muna ang pangkat ni Joel na sinamahan nina Sunchine Cruz, Ynez Veneracion at iba pang non-showbiz alleged victims.
Hindi naman ito pinalampas ng kanilang pinararatangan na si Kathelyn Dupaya na may sarili ring presscon para naman sa kanyang panig.
Common sa magkabilang kampo ang balak na pagsampa ng mga kaukulang demanda laban sa isa’t isa. Estafa mula sa kampo ni Joel et al, libel naman mula kay Dupaya.
Kung mga kuwento nila ang pagbabasehan, malinaw na milyun-milyong piso ang halagang involved. Ang may pinakamalaking amount na umano’y naloko ni Dupaya ay ang kay Joel, who was out of the country nu’ng humarap ang businesswoman for her side of the story.
Sketchy o hindi klaro sa amin kung anong klaseng investment scam ang umano’y gawain o practice ni Dupaya.
Ayon kay Sunshine na milyong piso rin ang inilagak sa negosyo ni Dupaya, inakala niyang additional income sana ang kikitain ng kanyang pera. Single parent nga naman siya sa kanyang mga anak kay Cesar Montano.
Kung pyramid o networking ang negosyo ni Dupaya’y may principal na involved, kung saan mula roon ay kikita ang pera ng investor. Tubo lang ang nakukubra ng namuhunan, saka na ang buong principal.
Ang claim ni Dupaya’y kumita na raw sa kanya si Sunshine ng P5 million. Hindi malinaw sa amin kung dahil sa halaga ng profit na ‘yon ay bale lumalabas na amanos na sila vis a vis Sunshine’s capital investment.
Baka ‘yung P5 million na sinasabi ni Dupaya ay ang nag-a-accumulate nang tubo sa ipinuhunan ng aktres, same with the other investors.
Isang mahalagang leksiyon ang iniiwan ng kasong ito tungkol sa mga nakakaengganyong investment package.
Madalas tayong nakakabalita ng ganyang uri ng negosyo na madaling maka-attract (o makasilo?) ng mga investor sa laki ng porsyentong kikitain ng kanilang pera kumpara kung ilalagak lang nila ‘yon sa banko.
Hindi namin sinasabing scammer si Dupaya, baka rin kasi isa rin siyang biktima ng panloloko ng ilang taong kanyang pinagkatiwalaan.
Reality bites, ang perang nagmumula sa dugo’t pawis natin ay mas masarap namnamin kesa sa easy money na napakadaling mapasakamay natin nang walang kahirap-hirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.