Ni Dominic Rea
IBANG klase rin ang fandom ng tambalang KathNiel. Buong mundo talaga ang nakasubaybay sa isa sa pinakasikat na loveteam ngayon sa bansa.
Kaya naman mula telebisyon at pelikula hanggang sa mga endorsements nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay talagang suportado sila ng kanilang fans and followers.
Tulad ngayon, ginagawa pa lang nila ang bago nilang pelikula, ang “The Hows Of Us” under Star Cinema sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina ay may mga naka-schedule nang block screenings nationwide na mismong fans and followers nina DJ at Kathryn ang organizers.
Speaking of “The Hows Of Us”, ayon sa aming nasagap na balita, raratsada na ang shooting ng pelikula this June. Mukhang dito lang din sa Pilipinas kukunan lahat ng eksena sa movie dahil nang tinanong ko ang aking source ay hindi rin siya sigurado kung may kukunan abroad at waiting pa rin ang lahat.
Siguradong mas lalong mamahalin ng KathNiel fans ang kanilang mga idolo sa bago nilang pelikula dahil ibang-iba ito sa mga past movies nila.
Sa Instagram account ng Star Cinema, makikita ang ilang photo na ng behind-the-scenes ng KathNiel. Makikita sa ilang kuha na nakasuot ng graduation toga na may mga suot na medal.
Kung tama ang pagkakarinig namin, mag-asawa na yata ang role ng dalawa rito bilang sina Primo and George kaya siguradong maraming kilig scenes. But most of all, aabangan din ang mas pina-level up na acting ng dalawa dahil mas mature na nga ang atake nila sa kanilang mga karakter.
Kunsabagay, when it comes to acting, subok na naman sina Kathryn at Daniel. Marami na silang napatunayan sa lahat ng mga nagawa nilang teleserye at pelikula.
May nagtanong din sa akin kung magkakaroon ng concert si Daniel. Mukhang malabo pang magkaroon ng concert ang King of Hearts this year dahil sa ngayon pa lang ay ratsada ito sa ilang commitments kaya hindi raw talaga kakayanin ni Daniel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.