Paninigarilyo nakamamatay, di ka pa rin bilib?
ALAM mo ba na kada minuto ay halos 11 milyong stick ng sigarilyo ang nauubos? At alam mo rin ba na 10 naman ang namamatay kada minuto dahil sa bisyong ito?
At ‘wag ka nang magtaka kung mabibilang ka rito balang araw kung sakaling hindi mo tatalikuran ang bisyong ito sa lalong madaling panahon.
Ayon sa world Health Organization, merong isang bilyong naninigarilyo sa buong mundo.
Sa China na umaabot sa 1.3 bilyon ang populasyon, ay sinasabing merong 315 milyong taong naninigarilyo.
Sila ang kumokonsumo ng ikatlong bahagi ng suplay ng sigarilyo sa mundo.
Ang Indonesia ang may pinakamataas na bilang ng mga taong naninigarilyo na umaabot sa 76 porsiyento ng mga lalaki na may edad 15 pataas.
Walumpung porsiyento ng mga naninigarilyo sa mundo ay nasa low at middle income country. Sa mga ito, 226 milyon ang ikinokonsi-derang mahirap.
Ayon sa The Lancet medical journal na nailathala noong Abril 2017 bumaba na ang porsiyento ng mga naninigarilyo kumpara sa datos may 25 taon na ang nakakaraan.
Isa sa bawat apat na lalaki at isa sa bawat 20 babae ang naninigarilyo araw-araw noong 2015, mas mababa sa tatlong lalaki sa bawat apat at isang babae sa bawat 12 babae noong 1990.
Bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo sa Australia, Brazil, at Britain kung saan mataas ang buwis, limitado ang mga lugar kung saan maaaring manigarilyo at mayroong health war-ning kaugnay nito.
Noong 2017, iniulat ng France ang pagbaba ng 1 milyon ng mga naninigarilyo sa kanilang bansa kumpara noong 2016.
Bumaba rin ang benta ng sigarilyo sa China ng 10 porsyento kumpara noong 2012, ayon sa Euromonitor International market research group.
Ang tobacco ang pa-ngunahing sanhi ng pagkamatay na maaaring maiwasan. Ang active o passive smoking ang pumapatay sa mahigit 7 milyong tao kada taon batay sa tala ng WHO. Isinisisi ang paninigarilyo sa pagkamatay ng isang tao kada anim na segundo.
Ang mga sakit na kanser, atake sa puso, stroke at lung diseases ang pangunahing sakit na iniuugnay sa paninigarilyo.
Noong 20th century, namatay dahil sa sigarilyo ang may 100 milyong katao—mas marami pa sa 60-80 milyong namatay noong World War II at 18 milyon noong World War I.
Kung hindi mapipigilan, maaaring umabot sa 1 bilyong katao ang mamatay dahil sa yosi sa 21st century.
Ang paninigarilyo ang umuubos sa anim na porsyento ng pondo na inilalaan ng mundo para sa kalusugan at dalawang porsyento ng global gross domestic product, ayon sa scientific journal Tobacco Control noong E-nero 2017. Ito ay nagkakahalaga ng $1.436 bilyon noong 2012.
Umaabot sa 4.3 mil-yong hektarya ng lupa ang ginagamit na taniman ng tabako, kasing laki ito ng Switzerland.
Ang kita sa sigarilyo ay umaabot sa $680 bil-yon kada taon, ayon sa Euromonitor.
Ang China ang nagsusuplay ng 40 porsyento ng tabako sa mundo, a-yon sa The Tobacco Atlas.
Limang kompanya ang kumokontrol sa 80 porsyento ng sigarilyo na naibebenta sa mundo. Ang top six ay kumita ng $62 bilyon noong 2015.
Umuubos ang mga naninigarilyo ng 5.7 trilyong stick ng yosi kada taon, o 11 milyon kada minuto.
Ang filter ng sigarilyo na gawa sa non-biodegradable na cellulose acetate ang pinakamaraming klase ng basura na nakuha sa mga beach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.