Albayalde inaming wala pa sa 50% ang anti-drug accomplishment ng PNP | Bandera

Albayalde inaming wala pa sa 50% ang anti-drug accomplishment ng PNP

- May 31, 2018 - 05:21 PM

INAMIN ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na mahigit 50 porsiyento pa ng problema sa droga ang hindi pa nareresolba ng PNP sa kabila naman ng mahigit dalawang taon kampanya ni Pangulong Duterte kontra droga.

“Baka wala pa tayo sa 50 percent sa problema natin sa illegal drugs. Despite sa ating operations napakarami pa rin nating nahuhuli at meron pa rin tyong incidents of robbery lalong lalo na yug akyat bahay,” sabi ni Albayalde.

Matatandaang ipinangako ni Duterte na matatapos niya sa loob ng anim na buwan.

“That is just my personal perception. The way I see it kasi (because) in spite of our accomplishments still araw-araw pa rin naaresto natin, naengkwentro,” ayon pa kay Albayalde.

Libo-libo na ang namamatay, na karamihan ay mahihirap mula nang simulan ng gobyerno ang gera kontra droga.
Base sa datos ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency, umabot na sa 4,279 suspek sa droga ang napapatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending