Palasyo umaasang ibabalik ng mga Tulfo ang P60M | Bandera

Palasyo umaasang ibabalik ng mga Tulfo ang P60M

- May 31, 2018 - 05:09 PM

SINABi ng Palasyo na umaasa ang Malacanang sa binitiwang salita ng mga Tulfo na ibabalik ang P60 milyong pondo ng Department of Tourism na ibinayad sa programang “Bitag” ng magkapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.

“Well, nasa Tulfo na ho iyan kasi sila naman iyong boluntaryong nagsabing isasauli nila. So, we’re counting on their word of honor na kung ibabalik nila at sinabi nila eh talagang ibabalik nila,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nauna nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hindi pa rin natatanggap ng DOT ang ipinangakong P60 milyon ng mga Tulfo.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na nasa kamay na ng Ombudsman ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiya.

“Well sa ngayon po inimbestigahan na ng Ombudsman, iyan po ang naging deklarasyon na ni Ombudsman Conchita Morales,” sabi ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending