'Konting-konti na lang at magiging kapamilya na uli si Kris Aquino!' | Bandera

‘Konting-konti na lang at magiging kapamilya na uli si Kris Aquino!’

Cristy Fermin - May 31, 2018 - 12:10 AM

DAHIL sa kasalukuyang ginagawang pelikula ni Kris Aquino sa Star Cinema na kapatid na produksiyon ng ABS-CBN ay lumabas ang balita na ilang panahon na lang mula ngayon ay babalik na sa pagpoprograma si Kris sa Dos.

Sana nga, dahil may iniwanan naman siyang marka sa tagal ng panahon ng kanyang pagtatrabaho sa network, naging reyna siya du’n pansamantala kaya hindi imposibleng makabalik siya.

Pero ang kuwentong ‘yun ay kinokontra naman ng mga namumuno sa istasyon, maging ang kanilang mga empleyado ay parang walang kaalam-alam sa kuwento, hindi raw ‘yun napag-uusapan sa kanilang bakuran.

Sabi ng isang source na nakakuwentuhan namin, “Nagtataka nga ang mga executives kung saan nanggagaling ang mga kuwentong ganu’n, kasi, wala namang pinagmimitingang kahit ano tungkol sa pagbabalik ni Kris.

“Wala naman ‘yun sa agenda ng bawat meeting ng mga bossing at production, kaya nakapagtataka kung sino ang nagpapasimuno sa pagkalat ng balitang ‘yun,” malinaw nitong pahayag.

Wala namang imposible. Pagkatapos nang dalawang taon na paghihintay ay gumagawa na si Kris ng pelikula ngayon sa Star Cinema.

Isang hakbang na lang ang layo ng distansiya nu’n sa ABS-CBN, malapit na malapit na, kaya hindi nakapagtataka kung isang araw ay kapamilya na uli si Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending