Alden may bagong pasabog, nakipag-showdown ng pagra-rap sa Ex-Battalion
NAKIPAG-SABAYAN sa pagra-rap si Alden Richards sa grupong Ex-Battalion nang i-record nila ang theme song ng coming series ng Pambansang Bae, ang Victor Magtanggol.
Aba, si Alden ang Male Recording Artist of the Year ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation kaya naman dapat, versatile siya sa iba’t ibang klase ng musika, huh!
Ipinasalip sa 24 Oras ang recording ni Alden kasama ang Ex-B ng kanta na ginawa ng grupo. Nakakaaliw ang dating nito at siguradong magmamarka sa manonood.
Extra-special sa Kapuso leading man ang role niya sa seryeng VM although naging espesyal din sa kanya ang nakaraang roles na ginampanan lalo na’t may sentro rin ang kuwento sa pamilya na malapit sa puso niya.
Sa panig naman ng Ex-B, swak na swak daw si Alden sa kanta ayon sa ilang members nitong sina Mark FlowG at Daryl.
Abangan ang bagong tagapagtanggol ng bayan sa katauhan ni Victor Magtanggol!
q q q
Hinayaan ni Marian Rivera na rumampa sa red carpet na magkasama sina Dingdong Dantes at Anne Curtis sa nakaraang premiere ng movie nilang “Sid & Aya (Not A Love Story)” last Monday night sa Trinoma Cinema.
Proud na proud siya sa performance ni Dong sa movie na talaga namang napakagaling. Gayundin si Anne na saktung-sakto sa kanya ang role na pasimpleng pokpok para makaipon ng pera papunta sa Japan.
Kuwento ito ng isang rich but lonely boy (Dingdong) na nakatagpo ng babaeng (Anne) binago ng mekanikal niyang buhay at propesyon bilang stock broker.
Feeling ng nakapanood, Pinoy version ito ng hit Hollywood movie na “Pretty Woman” nina Julia Roberts at Richard Geere. Pero nabigyan ito ng kakaibang touch ng writer-director na si Irene Villamor.
Anyway, bukod kay Marian, sumuporta rin sa premiere si Angel Locsin dahil isa sa producers ang boyfriend niyang si Neil Arce, si Vice Ganda, at iba pang artista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.