Cesar malas sa politika; hinamong ipagtanggol ang mga anak | Bandera

Cesar malas sa politika; hinamong ipagtanggol ang mga anak

Julie Bonifacio - May 28, 2018 - 12:25 AM


MAILAP kay Cesar Montano ang magka-career sa gobyerno. As we all know, nag-resign siya bilang Tourism Promotions Board (TBP) chairman pagkatapos masangkot sa maanomalyang P80 million “Buhay Carinderia” project ng Department of Tourism.

This is not the first time na naupo sa isang posisyon sa gobyerno si Cesar. Una siyang na-appoint ni ex-President Gloria Arroyo bilang Presidential Special Envoy for Film and Digital Cinema noong May, 2009.

First time lang daw nagkaroon ng ganitong posisyon sa gobyerno na halos ka-level na ng isang ambassador at nabigyan ng diplomatic status ng Department of Foreign Affairs. Pero ‘di nagtagal ay nag-resign din si Cesar at sinubukan muling tumakbo bilang governor ng Bohol.

Sad to say, hindi nanalo si Cesar gaya ng mga nauna niyang attempt to run for Se-nate and then for Congress (partylist). Matatandaan na bagong upo pa lang din siya noon as TPB chief (sa ilalim ni former Tourism Secretary Wanda Teo) ay nagkaroon na agad ng isyu sa kanya.

Hanggang ngayon ay inuulan pa rin ng negative comments mula sa netizens si Cesar at pati ang kanyang mga anak kay Sunshine Cruz ay idinadamay na ng mga haters and bashers sa social media. May mga nagsasabi na ang ipinapakain daw ni Cesar sa mga anak ay mula sa kaban ng gobyerno.

Hindi na kami nagtaka kung inalmahan ni Sunshine ang mga bashers na may tatlong anak na babae kay Cesar pati na rin si Teresa Loyzaga na ina naman ng anak ng aktor na si Diego Loyzaga.

Sa true lang, may kara-patang umalma si Teresa pagdating sa isyu ng pera. Dinala ni Teresa si Diego sa Australia at pinalaki ang kanyang anak as a single parent. Taas-noo talagang masasabi ni Teresa na walang natikman ang kanyang anak na si Diego mula sa perang kinita ni Cesar sa gobyerno.

At the same time, ‘di kataka-taka kung mapikon man si Sunshine sa mga comment ng netizens. Siya kasi ang gumagastos sa mga pangangaila-ngan ng kanilang mga anak. Hindi ba’t nagsalita na noon si Sunshine sa mga interbyu ng kawalan ng financial support ni Cesar sa mga bata?

May nagpayo naman kay Cesar na ipagtanggol ang kanyang mga anak mula sa mga malilisyosong bashers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending