4 huli sa fake dollars | Bandera

4 huli sa fake dollars

Leifbilly Begas - May 24, 2018 - 05:02 PM
ARESTADO ang apat katao na gumagawa umano ng mga pekeng dolyar sa isang mall sa Quezon City kagabi. Kinilala ang mga inaresto na sina Bame Jacob, 42, Ogie Oscar Mbang, 48, Tangang Yannick Ndare, 27, at Aly Camara, 33. Ayon sa mga biktima na sina Nancy Payumo, 40, Peter Telan, 58, at Leonardo Bernardo, 46, ineenganyo sila ng mga suspek na mag-invest sa paggawa ng mga US dollars na nagiging genuine kapag ginamitan ng liquid chemicals. Noong Abril ay sinampolan umano ng mga suspek ang mga biktima. Isang pekeng US$100 dollar ang nilagayan ng kemikal. Ang naturang pera ay dinala sa isang tao na nagkumpirma umano na totoo ang dolyar at binili ito sa halagang P5200. Kinumbinsi umano ng mga suspek ang mga biktima na mag-invest sa pamamagitan ng pagbili ng kemikal na nagkakahalaga ng P300,000. Noong Mayo 16 ng hapon ay nagkita ang mga suspek at biktima sa parking ng Trinoma para sa bayad. Nagkita sila muli noong Mayo 21 at binigyan ng mga suspek ang biktima ng mga pekeng $100. Muli silang nagkita kamakalawa sa SM North EDSA para ibigay ng mga suspek ang kemikal. Lingid sa kanilang kaalaman ay humingi na ng tulong sa otoridad ang mga biktima.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending