'Respeto', 'Balangiga' humakot ng nominasyon sa 41st Gawad Urian | Bandera

‘Respeto’, ‘Balangiga’ humakot ng nominasyon sa 41st Gawad Urian

- May 24, 2018 - 12:35 AM


PORMAL nang inanunsyo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado sa 41st Gawad Urian na magaganap sa June 14 sa ABS-CBN Vertis Tent at mapapanood nang live sa Cinema One, 7 p.m..

Nangunguna ngayong taon ang pelikulang “Respeto” na may 12 nominasyon kasama ang Best Picture, Best Director para kay Treb Monteras II, at Best Actor para sa rapper-actor na si Abra.

Sumusunod naman ang Best Picture nominees na “Balangiga: Howling Wilderness” na may 10 nominasyon at “Tu Pug Imatuy” na may siyam na nominasyon. Kabilang din sa Best Picture nominees ang “The Chanters” na may pitong nominasyon, at “Birdshot” at “Bhoy Intsik,” na parehong may tig-anim na nominasyon.

May tig-anim ding nominasyon na natanggap ang mga pelikulang “Changing Partners,” “Ang Larawan,” at “Kita Kita.”

May temang Pinoy music ang inaabangang Gawad Urian 2018 dahil musical ang tatlo sa mga nangungunang pelikula, ang “Respeto,” “Ang Larawan,” at “Changing Partners.”

Pararangalan din ang jazz pianist, composer, arranger, at musical director na si Winston Raval (Vanishing Tribe) bilang Natatanging Gawad Urian awardee.

Higit na sa 20 pelikula na ang ginawan niya ng film scoring. Kinilala rin si Winston bilang Best Musical Director para sa “Ikaw Ay Akin” sa 1977 Urian Awards.

Samantala, kabilang sa Best Actress nominees sina Alessandra de Rossi (Kita Kita), Joanna Ampil (Ang Larawan), Angeli Bayani (Bagahe), Gloria Diaz (Si Chedeng at Si Apple), Dexter Doria (Paki), Jally Nae Gilbaliga (The Chanters), Agot Isidro (Changing Partners), Elizabeth Oropesa (Si Chedeng at Si Apple), Bela Padilla (100 Tula Para Kay Stella), Angellie Nicholle Sanoy (Bomba), at Malona Sulatan (Tu Pug Imatuy).

Bukod kay Abra, nominado rin sa pagka-best actor sina Empoy Marquez (Kita Kita), Nonie Buencamino (Smaller and Smaller Circles), Timothy Castillo (Neomanila), Noel Comia Jr. (Kiko Boksingero), Allen Dizon (Bomba), RS Francisco, (Boy Intsik), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Sandino Martin (Changing Partners), at Justine Samson (Balangiga: Howling Wilderness).

Kabilang din sa mga nominado bilang Best Director sina Arnel Barbarona (Tu Pug Imatuy), Sigrid Andre Bernardo (Kita Kita), Khavn dela Cruz (Balaliga: Howling Wilderness), Joel Lamangan (Bhoy Intsik), James Robin Mayo (The Chanters), at Mikhail Red (Birdshot).

Nominado naman sa Best Supporting Actress sina Yayo Aguila (Kiko Boksingero), Angeli Bayani (Maestra), Shamaine Buencamino (Paki), Jasmine Curtis (Siargao), Chai Fonacier (Respeto), Nathalie Hart (Historiographika Errata), Odette Khan (Bar Boys), Menchu Lauchengco-Yulo (Ang Larawan), at Gloria Sevilla (Maestra).

Para sa Best Supporting Actor, nominado sina John Arcilla (Birdshot), Robert Arevalo (Ang Larawan), Romulo Caballero (The Chanters), Dido dela Paz (Respeto), Pio del Rio (Balangiga), Nor Domingo (Respeto), Ronwaldo Martin (Bhoy Intsik), Jess Mendoza (Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig), at Arnold Reyes (Birdshot).

Sina Ryan Cayabyab (Ang Larawan), Arnel Barbarona (Tu Pug Imatuy), Vincent de Jesus (Changing Partners), Jay Durias (Respeto), Erwin Fajardo (The Chanters), Khavn (Balangiga), at Lutgardo Labad at Odoni Pestelos (Smaller and Smaller Circles) ang mga nominado para sa Best Music category. Ilan pa sa pararangalan ay ang Best Screenplay, Best Production Design, Best Editing, Best Cinematography, Best Sound, Best Short Film at Best Documentary.

Ang mga nominado at mananalo ay pinipili mismo ng kapisanan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na kinabibilangan ng mga natatanging pangalan sa industriya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay pinangungunahan ng pangulo nito na si Rolando Tolentino kasama ang mga miyembro na sina Grace Javier Alfonso, Butch Francisco, Bienvenido Lumbera, Miguel Rapatan, Benilda Santos, Dr. Nicanor Tiongson, Tito Genova Valiente, Patrick Campos, Shirley Lua at Gary Devilles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending