HINDI nagpakita si Pangulong Duterte sa paggunita ng unang taon ng paglusob ng teroristang grupong Maute Group sa Marawi City.
Kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na wala sa schedule ni Duterte ang pagbisita sa Marawi.
Dagdag ni Go, walang balak gunitain ng gobyerno ang simula ng gera sa Marawi.
“Sa liberation ng Marawi kami pupunta, not sa start ng siege. Why honor?” sabi ni Go.
Matatandaang nilusob ng Maute Group ang Marawi noong Mayo 23, 2017 at inabot ng limang buwan bago napalayas ng puwersa ng pamahalaan ang mga bandido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.