Mister ni Anne binayaran ng malaking talent fee para sa ‘Buhay Carinderia’?
BALITANG masinsinang kinausap ni Anne Curtis ang kanyang asawang si Erwan Heussaff kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan nito sa kontrobersyal na “Buhay Carinderia” project ng Tourism Promotions Board under Cesar Montano.
At dahil nag-resign na nga si Cesar matapos kuwestiyunin ang multi-million project ng ahensya, malamang daw na magturuan na rin ang iba pang sangkot sa iskandalo.
May mga nagsasabi kasing malaking talent fee ang ibinigay kay Erwan ng marketing arm na kinumisyon ng opisina ni Montano, habang meron namang nagsasabing “honorarium” lang ang tinanggap nito dahil “volunteer” lang daw ang mister ni Anne.
Ano nga kaya ang ipinayo ni Anne sa asawa? Kailan na nga kaya magbibigay ng kanyang saloobin sa isyu ang kapatid ni Solenn Heussaff?
Sa social media account kasi ni papa Erwan ay panay pa rin ang post nito ng mga “carinderia visit” niya with matching description ng mga Pinoy dishes na kanyang nilalantakan.
q q q
Kung meron kaming hinangaan sa pinag-usapang royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle, ito ay ang sobrang pagiging loving and thoughtful son ng prinsipe.
Aba, sobrang nakaka-touch kaya yung magpa-reserve siya ng seat for his mother Princess Diana na ilang dekada nang namatay?
If only for that, sasabihin naming deserve ngang tawaging “wedding of the decade” ang kanilang kasal na sobrang laki nang nagastos at buong mundo ang nakapanood – maliban sa amin. Ha-hahahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.