Ex-SAF budget exec inaming itinago ang P37M allowance ng mga trooper
INAMIN ng dating budget officer ng Special Action Force (SAF) na itinago niya ang P37 milyong additional subsistence allowance (ASA) ng mga miyembro ng SAF, ayon sa isang pagdinig ng Senado na pinamunuan ni Sen. Panfilo Lacson.
Sa isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay ng umano’y iligal na hindi pagpapalabas ng allowance ng SAF, sinabi ni dating SAF budget officer Senior Superintendent Andre Dizon na nananatili ang pondo sa kanyang kustodiya sa kabila naman ng pagkakasibak mula sa SAF.
Tatanggap sana ang mga miyembro ng SAF na kasama sa mga mapanganib na operasyon ng karagdagang P30 ASA kada araw o P900 kada buwan.
Nahaharap si Dizon, kasama ang iba pang dating opisyal ng SAF, kasama si SAF chief Director Benjamin Lusad, ng mga kaso sa Office of the Ombudsman dahil umano sa maling paggamit ng P59.8 milyong halaga ng allowance ng mga SAF commandos.
“It’s hard to believe that you kept in your custody such amount of money,” sabi ni Lacson.
Kinuwestiyon din Lacson kung bakit noong Disyembre 2016 lamang inilabaa ang allowance ng SAF na dapat ay noong Pebrero 2016 pa.
“The committee would like to find out kung saan nanggaling yung P37 million. Kung hindi nagkaroon ng threat, hindi mare-release ‘yung lump sum [where did the P37 million come from. If there was no threat, probably the lump sum was not released],” ayon pa kay Lacson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.