Karla hindi papayag magpakasal si Daniel kung... | Bandera

Karla hindi papayag magpakasal si Daniel kung…

Ervin Santiago - May 22, 2018 - 12:10 AM

DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA

NANINIWALA si Queen Mother Karla Estrada na kailangang magkamali at madapa ang mga anak para mas tumibay at mas matuto sa buhay.

Nakachikahan namin si Karla last weekend sa shooting ng bago niyang comedy film, ang “Familia BlandIna” at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Natanong kasi si Karla kung paano niya ide-describe si Daniel ngayon bilang anak, sagot ng TV host-actress, “He’s really independent. Magaling kasi siyang mag-isip. Kaya natuto na rin akong tanggapin na ang anak ko matalino mag-isip at responsable.

“Siyempre kapag ikaw kasi yun, parang feeling mo magkakamali pa rin. Pero dapat nagle-let go at dapat nagkakamali, para tumibay, para matuto sa buhay,” chika pa ni Karla.

So, feeling ba niya kapag sinabi ni Daniel na magpapakasal na siya kokontrahin niya? “Parang. Siguro kung ngayon, oo. Alam mo naman ako diretso akong kausap, eh. Tsaka, feeling ko, sila rin hindi pa nila naiisip ‘yang mga ganyan, kasi focused talaga sila sa career nila.”

Para sa kanya, ilang taon dapat magpakasal si Daniel? “Mga 35. Ngayon kasi 23 siya. So, matagal pa. Kasi hindi natin alam kung paano sila ngayon. Depende kung maayos talaga. Kasi ngayon nakikita ko naman na very responsible. Pero depende pa rin, e.

“Kasi ako, napagdaanan ko na lahat, eh. At a very young age nagkaanak na ako. Apat na relasyon ‘yun sa apat na ama. Meron pa rin talagang imaturity (sa akin).

“Meron talagang dapat certain age na alam n’yo lahat, alam natin lahat yan kung saan nagma-mature para hindi masayang yung pagsasamahan n’yo. Na kapag sinabi mo na gusto mo nang mag-asawa, dapat mature ka na talaga,” paliwanag pa ng Magandang Buhay host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending