2 patay, 2 sugatan sa kidlat | Bandera

2 patay, 2 sugatan sa kidlat

John Roson |May 21,2018
facebook
share this

2 patay, 2 sugatan sa kidlat

John Roson - May 21, 2018 - 05:11 PM
DALAWANG lalaki ang nasawi at dalawa pang tao ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente ng pagtama ng kidlat, sa Pangasinan at La Union nitong Linggo. Nasawi si Jonaly Damalen, 25, nang tamaan ng kidlat habang nagpapakain ng bangus sa fish cage ng isang farm sa Brgy. Baybay Norte, bayan ng Sual, dakong alas-5 ng hapon, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Kasabay ni Damalen na nagpapakain ng bangus ang kuya niyang si Jaylord, ngunit siya ang tinamaan, ayon sa ulat. Itinakbo pa si Damalen sa Western Pangasinan District Hospital ng Alaminos City, kung saan siya idineklarang patay ng doktor. Ilang minuto lang matapos iyon, nasawi ang isang lalaki at nasugatan ang dalawa niyang kasama nang tamaan ng kidlat habang naliligo sa ilog sa Brgy Parian Oeste, Bauang, La Union. Itinakbo ang tatlo sa Ilocos Training and Regional Medical Center ng City of San Fernando, ngunit idineklarang patay ng doktor si Arnold Lucero Jr., 16, ayon sa ulat ng regional police. Nilulunasan pa ang mga kasama niyang sina Daisy Joy Campos, 29, at Willy Tejada, 32.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending