MARAMI ang nagtatanong tungkol sa ihi ng tao. May nagsasabi kasi na noong unang panahon, iniinom daw ang ihi ng tao tuwing umaga dahil gamot daw ito sa maraming sakit.
May mga sabi-sabi na ang unang amount ng ihi ay dapat itapon at ang kalagitnaan ang siyang dapat itabi para inumin, habang yung huling bahagi ay dapat ding itapon.
Pero ano ba talaga, may saysay ba ang iihi ng tao? Tama bang inumin ito?
Ang Urophagia ay matagal nang ginagawa. Noong unang panaho ay usong-uso ito sa iba’t ibang kultura sa paniniwalang nagpapagaling ito ng mga sakit at para rin sa pagpapaganda.
Sa alternative medicine, ang tawag ditto ay “Urine Therapy”. Maaring sabihin na “for survival” ang dahilan ng pag-inom ng ihi kahit ito ay walang suporta ng mga pinagkakatiwalaang na ahensya.
Safe ba siyang inumin?
Ang ihi ay malinis kung walang impeksyon ang tao kung kaya’t mababa ang panganib na makasira sa kalusugan sa ganang ito.
Kapag may sakit at umiinom ng gamot, ang mga elemento ng gamot at anumang food supplements ay nasa ihi.
Mataas ang sodium at minerals sa ihi, nguni’t kung malabnaw ang ihi, hindi ito problema.
Hindi dapat inumin ang ihi kung ikaw ay dehydrated.
Kapag matamis ang ihi nang hindi ka naman umiinom ng “artificial sweeteners”, hindi rin dapat inumin, Kaya alamin mo baka ikaw ay may diabetes.
Ang tanong sa kung totoo bang nakakagaling ito, ginagamit ang urine therapy sa pagpapaputi ng ngipin (teeth whitener) dahil sa “ammonia”.
Minsan isinasama sa Yoga para makagaling ng mga karamdaman.
Kahit ginagawa ito ng milyon-milyong tao sa mundo, hindi pa rin nakikita ang mga benepisyo ng urine therapy. – Dr Hildegardes Dineros
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.