Robin nakanganga pang matulog sa sobrang pagod | Bandera

Robin nakanganga pang matulog sa sobrang pagod

Reggee Bonoan |May 21,2018
facebook
share this

Robin nakanganga pang matulog sa sobrang pagod

Reggee Bonoan - May 21, 2018 - 12:20 AM

HINDI binanggit ni Robin Padilla kung sa set ng seryeng Sana Dalawa Ang Puso kinunan ang litratong ipinost niya kung saan nakanganga siya sa sobrang pagod.

Ang caption ni Leo Tabayoyong (karakter ni Robin sa serye) sa photo niya kasama ang ilang staff, “It’s been a Hard days night.”

Samantala, nanindigan na si Robin bilang si Leo na humarap sa tatay ni Lisa (Jodi Sta. Maria) na si Juancho (Christopher de Leon) at amining sila na ng anak niya.

Hindi ito matanggap ng ama ni Lisa at hindi rin nito tinanggap ang pakikipagkamay sa kanya ni Leo at sinabihang iwanan silang mag-ama

Pinamili si Lisa ng ama, kung siya o si Leo. At kung hindi kayang mamili ng dalaga ay pinalalayas na siya sa mansion at handang itakwil.

Samantala, parating pinagtatagpo ng landas sina Martin (Richard Yap) at Mona (Jodi) kaya inis na inis ang una dahil nga naloko siya ng pinagkatiwalaan niyang tagapag-alaga ng panabong na manok.

Malalaman ngayong umaga kung ano ang reaksyon nina Martin at Mona sa muli nilang pagkikita sa bahay na planong bilhin ng una, ang Tagpuan. Dito kasi nagtatrabaho ang buong pamilya ni Mona bilang staff ni Mommy La (Pilita Corrales).

Napapanood ang Sana Dalawa Ang Puso bago mag-Showtime.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending