2 hati sa P126M jackpot ng Grand Lotto | Bandera

2 hati sa P126M jackpot ng Grand Lotto

Leifbilly Begas - May 20, 2018 - 04:45 PM
DALAWA ang maghahati sa P126.1 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Sabado ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office dalawa ang tumaya sa winning number combination na 12-55-10-05-43-19. Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo sa main office ng PCSO.  Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion ang mga premyo na higit sa P10,000 ay papatawan ng buwis. Nanalo naman ng tig-P52,650 ang 25 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero. Tig-P630 naman ang tinamaan ng 1,656 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 29,111 mananaya na nakatatlong numero. Ito ang ikatlong pagkakataon ngayong taon na tinamaan ang jackpot prize ng Grand Lotto. Una itong tinamaan noong Enero 3. Nagkakahalaga ng P29.7 milyon ang tinamaan ng isang mananaya. Sumunod naman noong Pebrero 19. Isa ang nanalo ng P64.2 milyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending