'Dapat panindigan ni Kris ang pinauso niyang love, love, love!' | Bandera

‘Dapat panindigan ni Kris ang pinauso niyang love, love, love!’

Cristy Fermin - May 16, 2018 - 12:50 AM

KRIS AQUINO

TAHIMIK ang mundo ngayon ni Kris Aquino. Nakatuon ang kanyang panahon at interes sa ginagawa niyang pelikula at sa mga tinatanggap niyang endorsement ng iba-ibang produkto.

Mas maganda para sa aktres-TV host ang ganyan kesa sa kung anu-anong pasabog ang binibigyan niya ng panahon na sa kanya rin naman bumabalik ang epekto.

Tama siya o hindi ay si Kris ang nalalatayan, siya ang binabato nang maaanghang na salita, lumalabas pang KSP siya dahil sa kanyang mga ginagawa.

Siya pa naman ang nagpapalaganap ng litanyang love, love, love pero siya rin ang unang kumokontra du’n, hate, hate, hate ang mas pinaiiral niya.

Panahon na para magkaroon siya ng kapayapaan ng kalooban, pabayaan na lang sana niya si James Yap sa buhay nito kasama si Michela Cazzola, bali-baligtarin man ni Kris ang mundo ay nandiyan pa rin ang katotohanang mananatiling ama ni Bimby ang basketbolista.

Pero kung gusto talaga ni Kris na palagi siyang laman ng mga balita ay siya na ang bahala. Magpasabog siya nang magpasabog.

Tutal naman, sabi nga ng mas nakararami, ay ine-enjoy niya ang ganu’ng senaryo kesa sa nananahimik siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending