Kris mapapanood na ba uli sa ABS-CBN?
HABANG isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang announcement ang KCAP Team ni Kris Aquino kung sinu-sino ang mga napiling winners para sa #Dinner With Kris.
Siguradong mahihirapang mamili ang KCAP dahil sa dami ng nag-join sa Mother’s Day treat ng Queen of Social Media sa kanyang mga loyal supporters and followers sa Instagram, Facebook at Twitter.
At least 16 netizens ang pipiliing winners (mother & child) at bukod sa bonggang dinner with Kris, makakatanggap din ng special gift mula kay Kris at sa Toblerone ang mga ito.
In fairness, Friday pa lang last week ay sandamakmak na bulaklak, cakes at iba pang Mother’s Day gift ang natanggap ni Kris at sure na sure kami na mas dumami pa ito last Sunday, Mother’s Day.
Samantala, ibinalita rin ni Kris na tuluy-tuloy pa rin ang shooting niya para sa isa pang 25th anniversary offering ng Star Cinema, ang “I Love You, Hater” na ipalalabas na sa June 13 kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Pagkatapos daw nito, sasabak agad-agad si Kris sa shooting ng isa pa niyang pelikula under iflix.
Ngayong nakabalik na siya sa Star Cinema, posible bang mapanood na rin siya sa ABS-CBN? “I don’t want to say no because it will haunt me, it’s just that my calendar for the whole year is full. May utang na loob ako sa iflix na nag-invest sa akin. Ayaw ko ring i-pressure ang sarili ko.”
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng isang video kung saan kasama niya ang mga anak na sina Joshua at Bimby. As usual, marami na naman siyang na-inspire at napa-good vibes na mga nanay dahil dito.
Sey ni Kris sa caption: “I’ll share something raw & real w/ all of you- these flipagram videos are my most personal posts because the background music intimately express what i’m feeling at the particular moment in my life of posting w/o me giving details, it’s freeing yet i’m still able to leave something for myself… THANK YOU for the abundance of Mother’s Day flowers, arrangements, sweet treats, food and gifts. #Loved!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.