Walang proklamasyon para sa mahigit 1,000 over-aged na kandidato sa SK-Comelec | Bandera

Walang proklamasyon para sa mahigit 1,000 over-aged na kandidato sa SK-Comelec

- May 14, 2018 - 06:26 PM

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na hindi ipoproklama ang mahigit 1,000 kandidato para sa Sangguniang Kabataan (SK) kahit pa manalo dahil sa pagiging over-aged.

Sinabi ni Comelec Acting Chairman Al Pareno na nakatakdang sampahan ng kaso ang mga kandidato dahil sa paglabag sa age limit.

“We are suspending around 1,000 cases as of today. Huwag silang magulat na nagsuspend kami ng mga tao na ipo-proclaim namin na nanalo na sa SK, dahil kung over-aged, di namin papaupuin,” sabi ni Pareno.

“Most of them akala bata pa sila; they are more than 24 years old. Ang nagtataka kami is may 40 years old na magse-swear in mamaya, kaya ang ginawa namin nagsuspend kami,” dagdag ni Pareno.

Sinabi pa ni Pareno na kakasuhan din ang mga kandidato na tumakbo sa mga distrito bagamat hindi mga rehistrado.

“Approximately may 3,000 to 4,000 cases ang nakikita namin, and this week, the Comelec law department has finished most of them, about 2,000,” dagdag ni Pareno

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending