BANDERA "One on One": Heart Evangelista | Bandera

BANDERA “One on One”: Heart Evangelista

|December 21,2009
facebook
share this

BANDERA “One on One”: Heart Evangelista

- December 21, 2009 - 05:25 PM

HINDI man mabulaklak ang buhay pag-ibig ni Heart Evangelista, inuulan naman siya ng blessings ngayon, lalo na sa kanyang showbiz career. Sa pakikipagchikahaN namin kay Heart kamakailan, nalaman namin na nakatatlong boyfriend na siya— dalawang non-showbiz at isang taga-showbiz. Inamin din sa BANDERA ni Heart na hindi importante sa kanya kung mayaman o mahirap ang mapapangasawa niya, mas gusto raw niya ‘yung simpleng lalaki lang. Ayaw din daw niyang magsuot ng bonggang wedding gown sa kanyang kasal. Narito ang kabuuan ng one-on-one interview namin kay Heart.

BANDERA (B): Anu-ano ang pinagkakaabalahan mo kapag wala kang taping or shooting?

HEART EVANGELISTA (HE) I spend time with my family and my dogs. I have four dogs kaya medyo mahaba-habang time ang inilalaan ko sa kanila. Definitely, I go to the salon, of course, kailangan ko ring mag-relax, nagpapamasahe ako. And I take time to go to the Blessed Sacrament to pray. B: Are you vain?

HE: Am I vain? Actually, no. Pinipilit nga ako ng mommy ko na magpunta sa parlor, kasi tamad ako. Hindi ako ganu’n kaarte sa katawan, basta tama lang, ‘yung presentable lang kapag lalabas ako ng bahay.

B: May beauty secrets ka ba?

HE: Kapag wala akong trabaho or hindi ako aalis ng bahay, hindi ako nagme-make-up. Kapag may lakad kami ng family or ng friends ko, I just apply a little amount of foundation, sometimes powder lang. Then, moisturizer, very important ‘yan, para hindi mag-dry ang skin mo. I drink a lot of water, mga 15 glasses of water a day ang iniinom ko.

B: Nagpupunta ka ba sa gym? Kasi hindi ka tumataba, fit na fit ka pa rin?

HE: ‘Yan actually ang New Year’s resolution ko, ang maging regular sa gym, ‘yung maging regular ang workout ko. Kasi, maganda nga ‘yung labas ng katawan mo, pero sobrang unhealthy ka naman kasi hindi ka na kumakain, diet ka nang diet. So, might as well burn na lang ‘yung mga kinain mo sa pagwo-workout.

B: Ano ang ideal man mo?

HE: Gusto ko ‘yung very Filipino, gusto ko ‘yung mapagmahal sa pamilya. Gusto ko ‘yung simple lang ang mga gusto niya sa buhay. ‘Yung hindi na niya kailangang magpa-impress at regaluhan ako ng European trip. Mas gusto ‘yung yayayain niya lang ako sa isang beach, tapos magkukuwentuhan kami. Masaya na kayong dalawa. Simple things lang ang type ko.

B: Hindi mo ba kino-consider na dapat mayaman ang lalaking mapapangasawa mo?

HE: Not necessarily. Mayaman nga siya, tapos masama naman ang ugali, e, balewala rin.

B: So, okay lang sa ‘yo na ikaw ang bumuhay sa magiging pamilya n’yo?

HE: Ay, hindi naman dapat ganu’n ang mangyari. Tulungan kami. Hindi naman pwedeng ako lang ang magtrabaho. Gusto ko ‘yung responsable rin.

B: Ano ang ideal wedding mo?

HE: Depende kung sino ang pakakasalan ko. Pero type ko talaga ang beach wedding. But simple lang ang ceremony. Ayoko ng bonggang damit, gusto ko simple lang, tapos halos walang make-up, basta ang importante nandu’n lahat ng mga mahal ko sa buhay at ang pamilya ng magiging husband ko.

B: Nakailang boyfriend ka na?

HE: Three, dalawang non-showbiz, isang showbiz. Yeah, si Echo (Jericho Rosales) ‘yung showbiz.

B: Sa tatlong relationship mong nagdaan, anu-ano ang mga natutuhan mo? HE: ‘Yung first kasi, was very young pa, kaya not so much. Siguro with Jericho, I learned a lot. Good things, simple things make you happy, ‘yung pagiging extravagant, hindi rin pala maganda. ‘Yun din ang natutunan ko with the last one. He came from a very good and well-to-do family, but I learned that money really can’t buy you true happiness. Thank you so much! Hahahaha!

B: May pinagsisisihan ka ba sa mga naging relasyon mo?

HE: Wala, actually kung mauulit uli ang buhay ko, ganu’n pa rin ang gusto kong mangyari. I want to do it all over again.

B: Kumusta na ang relationship mo sa family mo. We remember na naging kontrobersiyal din ang family mo nu’ng kayo pa ni Echo?

HE: We’re very good. Parang barkada na kami. They’re happy na nagagawa ko na ‘yung mga bagay na hindi ko nagagawa noon. Kasi, importante rin ‘yun, e. No matter how they say it, mahalaga ‘yun, e. Kasi bata ka pa, as much as possible, magagawa mo naman ang love-love na ‘yan, e, pero eventually, ang kailangan mong gawin, i-enjoy mo yung kabataan mo. I know na para sa kabutihan ko rin naman ‘yung mga pinapayo nila sa akin which I believe na makakatulong sa akin para maging successful sa lahat ng ginagawa ko. And eventually, that makes you whole as a person.

B: Kailan ka huling umiyak?

HE: Uhm…ganda ng tanong mo, ha! Ang galing mo ha! Ahm, Christmas last year and my birthday last year. I felt empty kasi. Emptiness in the heart. Parang wala lang, parang may kulang.

B: Paano nawala ‘yung emptiness?

HE: In time, nawawala rin siya. Ngayon happy na uli ako. Hindi ko na siya napi-feel uli, sana huwag na.

B: Paano magalit si Heart?

HE: Ako, paano ba ako magalit? Tahimik lang ako magalit, pero kapag sumabog, ‘yun na ‘yun. Matagal mawala ang galit ko, talagang hindi kilala, pero tahimik lang ako kapag may kinikimkim akong sama ng loob.

B: Sa showbiz, may nakagalit ka bang hindi mo pa rin nakakalimutan?

HE: Wala na. Zero. Okay na lahat. Pero it took me two years para makalimutan ko ‘yung galit na ‘yun. Tagal, ‘no!

B: Three sexiest men in showbiz? HE: Dennis Trillo, Jericho Rosales and Aga Muhlach. Wait, pwede magdagdag, siyempre si Richard Gutierrez.

B: Sinu-sino pa ang gusto mong makasama sa future projects mo? HE: I like to work with Ms. Sharon Cuneta again, and of course, Ms. Vilma Santos and Piolo Pascual, kahit na kapatid ko lang siya or kaibigan, kahit hindi ka-loveteam, basta magkasama kami sa isang project. Dream come true ‘yung for me.

—interview ni eas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BANDERA Entertainment, 122109

Naaliw ka ba sa interview kay Heart? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0906 246 9969 o sa 0929-5466-802. Ilagay lamang ang keyword na COMMENT sa unahan ng inyong mensahe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending