Vice kumpleto ang 'resibo' para mabigyan ng Dolphy Award sa FAMAS | Bandera

Vice kumpleto ang ‘resibo’ para mabigyan ng Dolphy Award sa FAMAS

|May 14,2018
facebook
share this

Vice kumpleto ang ‘resibo’ para mabigyan ng Dolphy Award sa FAMAS

- May 14, 2018 - 12:01 AM

PARA sa mga loyal supporters at mga kaibigang celebrities ni Vice Ganda, nasa kanya ang lahat ng qualities para maging karapat-dapat sa Dolphy Lifetime Achievement Award na ibibigay ng FAMAS ngayong 2018.

Ayon sa ilang social media followers ng Unkabogable Star, napakarami nang napatunayan ng TV host-comedian kahit ilang taon pa lang siya sa showbusiness. Kabilang na nga riyan ang mga record-breaking at blockbuster movies niya na naging bahagi na ng history ng Philippine entertainment.

Sabi nga ng isang netizen, ang lifetime achievement award ay hindi naman talaga nakabase sa tagal ng isang artista sa industriya kung hindi sa kanyang mga na-achieve at kung paano ito tinanggap at sinuportahan ng publiko.

Hindi rin daw maitatanggi ang katotohanan na bagamat ilang taon pa lang si Vice sa showbiz, sobra-sobra pa sa isang “lifetime” ang kanyang nakamit na tagumpay na resulta ng kanyang dedikasyon at hard work.

Sa pelikula, patuloy na winawasak ni Vice ang record na kanyang nagagawa sa bawat pelikulang pinagbibidahan. Sa telebisyon naman, tuloy-tuloy ang pamamayagpag sa rating ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice, idagdag pa ang tagumpay ng katatapos lang na Pilipinas Got Talent.

Sa live/concert stage naman, wala pa ring makakakabog sa mga soldout concerts ng Kapamilya TV host-comedian dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa katunayan, ibang level na naman ng kasiyahan ang ibinibigay ng Unkabogable at Phenomenal Box-Office Star ngayon sa mga Kapamilya sa North America sa matagumpay niyang concert series sa US at Canada.

Kaya para sa Team Vice at sa madlang pipol, kumpleto ang “resibo” ng henyong komedyante (read: accomplishments) at hindi nagkamali ang pamilya ng Comedy King sa pagpili sa Showtime host bilang first recipient ng Dolphy Lifetime Achievement Award bilang bahagi ng 2018 FAMAS Awards.

At naniniwala sila na magsisilbi itong bagong inspirasyon para lalong ipagpatuloy ni Vice Ganda ang pagbibigay ng kaligayahan at good vibes sa lahat ng Pilipino sa buong mundo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending