Calida inireklamo sa Ombudsman | Bandera

Calida inireklamo sa Ombudsman

Leifbilly Begas - May 10, 2018 - 03:48 PM

INIREKLAMO sa Ombudsman kahapon si Solicitor General Jose Calida kaugnay ng paghahain nito ng quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, pagiging may-ari ng security agency na pumapasok ng kontrata sa gobyerno at umano’y pakikipagrelasyon sa kanyang 22-anyos na executive assistant kung sana napunta ang P1.8 milyong intelligence fund ng kanyang opisina.
Calida inireklamo sa Ombudsman

Ayon sa nagreklamo na si Jocelyn Marie Nisperos, dapat kasuhan si Calida ng paglabag sa
anti-graft law at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nang ihain umano ni Calida ang petition for quo warranto ay ibinatay ito sa kulang na Statement of Assets Liabilities and Networth na inihain ni Sereno sa Judicial and Bar Council.

Noong Marso 27, sinabi ni Calida sa kanyang komento sa SC na nahanap na ang mga nawawalang SALN ni Sereno.

“Despite such admission, respondent still did not withdraw the petition for quo warranto even while the factual basis for it no longer exists,” saad ng reklamo.

Sinabi rin sa reklamo na nanatili na si Calida bilang 60 percent owner ng Vigilant Investigative and Security Agency Inc. kahit na nakapuwesto na ito sa gobyerno. Ginamit na batayan ni Nisperos ang mga Facebook post ng umano’y mga empleyado ng VISAI.

Ang VISAI umano ang security agency na kinuha ng National Economic Development Authority, National Anti-Poverty Commission, Philippine Amusement and Gaming Corp., at National Parks Development Corp.

Ayon din sa reklamo mayroon umanong extramarital affairs si Calida dahilan upang sumugod sa kanyang opisina ang kanyang misis noong Abril 23. Wala namang ibinigay na ebidensya si Nisperos upang patunayan ang alegasyong ito.

Inireklamo rin si Calida dahil sa pagpabor umano sa mga Marcos ng mabigo ito na ipaglaban pabor sa gobyerno ang binabawing ill-gotten wealth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending