Claudine kinampihan sina Morissette at Angeline: Please, tantanan n'yo na sila! | Bandera

Claudine kinampihan sina Morissette at Angeline: Please, tantanan n’yo na sila!

Cristy Fermin - May 10, 2018 - 12:20 AM


KILALANG-KILALA si Claudine Barretto sa pagiging diretsong magkomento. Wala siyang sinisino, masaktan na ang masasaktan, pero sasabihin niya kung ano ang kanyang gusto.

Mapagpahalaga rin siya sa pagkakaibigan, palagi niyang kinukumusta ang mga personalidad na malapit sa kanyang puso, hindi man siya aktibo sa pag-aartista ngayon ay hindi siya nakalilimot.

Hindi siya nakikisawsaw, naglabas lang siya ng saloobin tungkol sa ginagawang pamba-bash ng mga Popsters kay Angeline Quinto, na humantong pa nga sa wish ng grupo na sana’y patay na ang ina ng singer sa pagdating ng Mother’s Day.

Ikinuwento ni Claudine na nu’ng una silang nagkita ni Angeline ay napaluha ang magaling na singer, paborito raw siya ni Angeline, pati sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo.

Hindi siya naniniwala na pinagtawanan nina Angeline at Morissette Amon ang pagiging emosyonal ni Sarah sa nakaraang concert nito sa Las Vegas, hindi raw ‘yun makukunsensiyang gawin ng dalawang singers, kaya sana’y tantanan na sila ng mga taong nagbibintang sa kanila.

Maganda ang ganitong reaksiyon, may mga personalidad na para mapagaan ang problema ay naglalabas ng kanilang alam, sa halip nga namang lumala pa ang sitwasyon ay nakatutulong silang bumaba ang emosyon ng mga taong inaapuntahan ng galit sa kanilang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending