Mas matapang ang babae kesa lalaki | Bandera

Mas matapang ang babae kesa lalaki

|December 21,2009
facebook
share this

Mas matapang ang babae kesa lalaki

- December 21, 2009 - 04:31 PM

ISA sa pinakamalaking insulto sa lalaki—bukod sa tuksuhin siya ng babae na maliit ang kanyang ari—ay malampasan siya ng babae sa katapangan.
Tinanggap ni Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes ang paglilitis sa mga Ampatuan nang walang kaabug-abog.
Tinanggihan ni Judge Luisito Cortez ang litisin ang angkan ng mga Ampatuan dahil sa takot na manganganib ang kanyang buhay sampu ng kanyang pamilya.
Hindi tinanggap ni Judge Reyes ang mga bodyguards na inasayn sana sa kanya ng Philippine National Police (PNP).
Double whammy ang insulto para kay Cortez ang ginawa ng babaeng judge.
Mas may yagbols pa ang babaeng si Reyes kesa kay Cortez.
* * *
Sinasabi nating weaker sex ang babae?
Mali ang akala na yan at mga lalaking mayabang lang ang nagsasabi na mas mahina ang mga babae.
Totoo, mas malakas ang lalaki kesa sa babae pagdating ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay at ibang gawaing physical.
Pero sa ibang bagay na walang kinalaman sa physical ay mas malakas ang babae.
Tingnan mo na lang ang mga lalaki kapag iniinyeksyunan: nangingisay sa takot ito.
Ang babae? Bale wala sa kanya ang sakit ng injection. Tinitingnan pa nga niya habang tinutusok siya ng karayom.
Noong police reporter pa ang inyong lingkod, naobserbahan ko na mas matapang ang babae kesa sa lalaki sa pagtanggap ng kamatayan.
Isang doktor at nars ang nag-check in sa isang motel sa Pasig noong late 1970s. Napagkasunduan nila na magpakamatay at nag-iwan sila ng suicide note.
Magkasintahan kasi ang dalawa pero sa hindi malamang dahilan ay nag-asawa ang babae at naging lubhang malungkutin ang doktor.
Isang araw, niyaya ng doktor ang kanyang dating kasintahan na pumunta sa motel upang magkausap sila ng masinsinan at gumawa ng alam-mo-na.
Dahil siguro sa tindi ng kanilang pagmamahalan, nagkasundo sila na kitilin ang kanilang buhay upang mawala na ang kanilang problema.
Unang naglaslas sa braso ang babae at hinayaan mag-bleed to death siya.
Ang doktor naman ay naglaslas din sa braso, pero hindi siya nakatiis. Tinawag niya ang front desk ng motel bago siya maubusan ng dugo.
Nakaligtas ang doktor pero patay ang nars.
Nakita ko na naman ang katapangan ng babae kesa sa lalaki sa ibang pagkakataon.
Nag-check ang mag-asawa sa isang maliit na otel sa Sta. Cruz in the early 1980s.
Nagkasundo sila na magpakamatay. Gaya ng kuwento kanina, nag-iwan sila ng suicide note.
Binaril ng babae ang sarili at patay siya on the spot.
Nang binuksan ng mga roomboy na nakarinig ng putok ang kuwarto, hawak-hawak pa rin ng lalaki ang baril at di niya ito maiputok-putok.
Nabuhay ang lalaki at tepok ang kanyang asawa.
Napag-alaman sa imbestigasyon na isang overseas contract worker ang lalaki. Habang nasa abroad ito, nilustay ni babae ang kanyang mga ipinadadalang pera.
Nang bumalik siya, hindi maipaliwanag ng babae kung saan napunta ang pera.
Kaya’t nagcheck-in sila sa otel upang doon ay magkamatay.
Weaker sex ba ang babae?
Sa physical, totoong mas mahina ang babae kesa lalaki, pero sa ibang bagay malakas ang loob at mas mautak ang babae kesa lalaki.

Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 122109

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending