Ai Ai binalaan ang mga politikong gumagamit sa kanta ng Ex-B | Bandera

Ai Ai binalaan ang mga politikong gumagamit sa kanta ng Ex-B

Alex Brosas - May 09, 2018 - 12:25 AM


“WE were advised by concerned citizens that there are local candidates who are using Ex Battalion’s copyrighted song ‘Hayaan Mo Sila’ without authority from the Group. We request, in the spirit of integrity and fair play, the concerned individuals to cease and desist from such unauthorized use of the song and its melody. Please be advised that the Group reserves its right to avail of the remedies under relevant laws afforded it.”

‘Yan ang Instagram post ni Ai Ai delas Alas.

“Para po sa lahat ng kumakandidato…may kagawad sa QC at meron pang sa Makati at sa lahat ng mga gumagamit ng kanta kung gusto nyong gamitin ang kanta mag text lang sa (0917) 750 0291 maraming salamat po,” sey pa niya.

Sa sobrang sikat ni Ex Battalion, talagang merong mang-aabuso.

q q q

For better or for worse ang drama ng characters nina Mona at Lisa (Jodi Sta. Maria) sa Sana Dalawa Ang Puso.

Kasi naman, itong si Lisa ay nasundan ng mga sindikato. Kasama pa niya si Leo Tabayoyong (Robin Padilla) kaya naman napasabak sila sa barilan. Nagkahulihan na ng loob ang dalawa at inamin na nila ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa kaya naman ayaw ni Lisa na iwanan si Leo sa gitna ng laban nito sa mga sindikato.

Si Mona naman na aminadong na-in love na kay Martin (Richard Yap) ay hindi makapaniwalang ikakasal na siya ngayong araw na ito sa binata.

Tuloy na tuloy na ang kanilang pag-exchange ng I do at wala nang makapipigil pa. Ayaw pa-pressue ni Mona dahil alam naman niyang hindi siya talaga ang totoong ikakasal kay Richard.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending