Lloydie ‘papatayin’ na sa sitcom nina Toni at Piolo
“YUN na!” Ang simpleng text reply na isinagot ng mahal naming source sa Home Sweetie Home sa tanong namin kung kinukundisyon na ba nila ang isip ng mga manonood sa tuluyang pagtsugi sa karakter ni John Lloyd Cruz sa sitcom.
Ilang episodes na kasi nilang binabanggit ang tila pagkawala ng “love” ng karakter ni Toni Gonzaga sa asawa na si Lloydie at nitong huli nga ay nais na nitong ipa-annul ang kanilang kasal.
Maganda at mataas daw ang rating ng sitcom lalo na nu’ng pumasok si papa Piolo sa eksena. Kaya naman siguro naisipan nilang ikundisyon na nga ang isip at emosyon ng mga supporters nila sa tuluyang pagkamatay o pagkawala ng karakter ni Lloydie.
Pero ang mas nakakangarag na tsismis na nakarating sa amin kapatid na Ervin ay ang “deal” daw na nakuha ng kanilang marketing team.
Papasok daw kasi uli bilang regular sponsor ng show ang isang brand ng gamot na ine-endorse ni Lloydie.
Well, ang lagay nga naman eh, si John Lloyd ang dapat na kumita sa dati niyang ine-endorse gayung trip din pala ng mga ito ang magkaroon ng mas wholesome na imahe by being with the show?
Tsk, tsk, tsk, tsk.
q q q
Tawa din kami nang tawa sa mga komento ng netizens kaugnay ng pag-post ni Michela Cazzola ng litrato kung saan kasama niya si Presidente Digong Duterte na gandang-ganda nga raw sa misis ni James Yap.
Malinaw naman kasing simpleng sagot at muling pagsampal yun kay Kris Aquino na tila nag-iba na naman ng ihip ng hangin sa pagpipi-PR sa kanyang sarili dahil wa epek ang mga hanash at panunumbat niya sa mga taong ang tingin niya’y papatulan siya.
Kahit ang PR machinery ni Tetay ay wala nang magawa sa mga isyung nais nilang palutangin at gawing “of national interest” dahil sabi nga ng mga nagbabasa, “Masarap lang basahin ang kaeklayan at kanegahan ng babaeng iyan. Yun lang ang magic na meron siya, ang pagtawanan ng very natural on or off camera! Ha-hahaha!”
Ouch, ouch, ouch!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.