Kotse ng isang solon hinila dahil sa illegal parking sa QC | Bandera

Kotse ng isang solon hinila dahil sa illegal parking sa QC

- May 07, 2018 - 04:00 PM
HINILA ng mga miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kotse na pag-aari ni Albay Rep. Edcel Lagman dahil iligal itong nakaparada sa kahabaan ng Scout Borromeo st.  sa Quezon City. Sa ulat ng DZMM,  sinabi ng mga otoridad mula sa MMDA na ang anak na lalaki ni Lagman na TJ,  ang gumagamit nang ma-tow ang Hyundai Tucson. Ayon sa anak ng Lagman, hiniling niya sa driver na samahan siya sa kanyang condominium unit na matatagpuan sa kahabaan ng kalsada. Inamin naman ni TJ ang pagkakamali sa pagsasabing nakalimutan niyang sabihan ang driver na huwag magparada sa kahabaan ng kalsada. Binigyan ng tiket si Lagman ng MMDA, kung saan aabot ang multa sa  P2,500. May plakang “8” ang kotse na para sa mga miyembro ng Kamara.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending