UMABOT sa 24,115 pampubliko at pribadong empleyado ang nabigyan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit 3 kahapon sa Araw ng Paggawa.
Ayon sa Department of Transportation-MRT, umabot sa 11,409 pasahero ang sumakay ng libre mula alas-7 hanggang 9 ng umaga.
Sa libreng sakay naman mula alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi ay umabot sa 12,708 pasahero ang sumakay.
Ang libreng sakay ay bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending