Arjo Atayde mukhang laging mabango at bagong ligo | Bandera

Arjo Atayde mukhang laging mabango at bagong ligo

Jun Nardo - May 01, 2018 - 12:20 AM


SOBRANG  linis ng dating ni Arjo Atayde kaya naman swak na swak ang pagkuha sa kanya ng Beautederm Corporation ni Rhea Nicoche-Tan bilang ambassador ng bago nilang line of perfume, ang Origin Series.

Kahit na nga galing sa taping o shooting, para raw laging mabango at bagong ligo ang binata.

Agad namang itinanggi ni Rhea na may kinalaman ang madir ni Arjo na si Sylvia Sanchez para kunin nila ang aktor bilang bago nilang brand ambassador. Isa rin si Sylvia sa mga celebrity endorser ng Beautederm.

Hindi raw niya makalimutan ang pagdalaw niya sa bahay ng mga Atayde para kuning endorser si Arjo dahil napakagalang daw ng magkakapatid at walang bahid ng pagiging mayaman at sikat na artista.

Ang pagiging versatile ni Arjo ang malaking factor upang ipagkatiwala sa kanya ni Miss Rhea ang perfume scent dahil binusisi ang pagmi-mix nito’t may halong imported oils mula sa France.

Eh, mahilig din sa pabango si Arjo, sabi nga niya kung minsan daw hanggang sa pagtulog ay nag-i-spray pa rin siya ng perfume, huh!

Samantala, mag-i-expand na ang Beautederm sa ibang bansa dahil nakaabang na ang first international outlet nito na makikita sa Lucky Plaza sa Singapore.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending