Payo ni Kris kay Bimby: Ok lang magka-girlfriend ng 100 basta isa-isa lang at wag manloloko!
PINANININDIGAN ni Kris Aquino ang pangako niya sa kanyang mga followers na hindi siya magdadalawang-isip na patulan ang mga bashers kapag ang mga anak na niya ang binabastos.
Nitong weekend, muling napalaban si Kris sa ilang netizens na kumukuwestiyon sa kasarian ng bunso niyang si Bimby.
Nag-post ang Queen of Social Media ng isang video sa Instagram kung saan mapapanood ang pakikipag-bonding ni Bimby kina Julia Barretto at Erich Gonzales. Isang netizen ang nagkomento ng, “Ang lambot ni Bimb.”
Hindi ito pinalagpas ni Kris at nag-reply ng, “And here we go again… Bahala ka nang maging judgmental, basta mabait, matalino, mapagmahal, at marespeto panalo na ko sa pagpapalaki.”
Isang follower naman ni Tetay ang nagsabing, “Nakuuu. Chickboy toh.” Ito naman ang sagot ni Kris, “I said it is okay to have 100 girlfriends – basta walang pinagoverlap. Stick to 1, tapusin ng maayos, and be gracious.”
Samantala, nais na ring iwan ni Kris ang isyu tungkol sa ex-husband niyang si James Yap pati na rin ang kontrobersyang nilikha ng panayam ni Korina Sanchez sa basketball player.
Nito ring weekend, nag-post ang mommy nina Joshua at Bimby ng maikling mensahe para sa kanyang mga fans at followers.
“NO – I’m not proud of my mistakes but I’m WOMAN enough to own them. And I’ve lived enough to know that when I make a stand, I don’t shiver, quiver, or waver when I unleash the haters…I do get wiser, stronger, and better. After all, I AM A MOTHER,” ang hugot ni Kris.
Aniya pa sa caption ng ipinost niyang litrato sa IG, “The end of this chapter… Time to begin my next.”
Kung may mga nangnega na naman kay Kris, marami pa rin ang kumampi sa kanya at nagpayong laban lang habang may nang-aapi sa kanya at sa kanyang mga anak.
Sey ni @imeldaroberts2989, “I am your loyal follower, I admire your brutal honesty and you passion for life. Stand your ground don’t let anybody put you down. You are a reflection of your Mother Cory Aquino, who I dearly love and admire.”
Komento naman ni @plan42, “ISA AKO SA HUMAHANGA SA TATAY MO KAY NINOY, TITA CORY, PNOY, SA MGA KAPATID MO AT SAYO . IF EVER NA TUMAKBO KA SA SENADO 100% ANG SUPORTA KO SAYO.”
Chika ni @rockyenciso0517, “More power Ms Kris Aquino. Ignore those bad comments ingit lang iyan. Your are blessed with two sons, a great career, beauty, brains and loving family.”
“Lagi akong nagbabasa ng post and comments mu po…sobrang nakaka inspire, napaka strong ng personality. Laban kung laban basta nasa katwiran, tama at walang tinatapakan. God bless po!” komento ni @bryanlizardobueno.
Ito naman ang sagot ni Kris, “If I ever consider public office, pwede bang hingin yung napakagandang sinulat mo as a part of my platform? Beautiful slogan & a good guiding principle!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.