Ex-vice mayor nahulog sa bus, patay | Bandera

Ex-vice mayor nahulog sa bus, patay

John Roson |April 30,2018
facebook
share this

Ex-vice mayor nahulog sa bus, patay

John Roson - April 30, 2018 - 05:31 PM
Nasawi ang isang dating bise alkalde ng Aguinaldo, Ifugao, nang mahulog mula sa bubong ng bus sa bayan ng Alfonso Lista, iniulat ng pulisya Lunes. Dinala si Mario Nalliw Henaggon, 69, sa Potia District Hospital, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi Sabado, sa Brgy. Potia. Sakay si Henaggon ng bus (BVG-870), na minamaneho ni Brent Sacyong mula Santiago City, Isabela, patungong Aguinaldo, nang maganap ang insidente. Lumabas sa imbestigasyon na habang nakaupo sa bubong ng bus ay sumabit ang leeg ni Henaggon sa isang kawad ng kuryente, hanggang sa siya’y mahatak pababa, ayon sa pulisya. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending