Mabigat na trapiko asahan sa Labor Day- MPD | Bandera

Mabigat na trapiko asahan sa Labor Day- MPD

- April 30, 2018 - 05:01 PM

BINALAAN ng Manila Police District (MPD) ang mga pasahero na asahan na ang mabigat na trapiko ngayong araw sa harap naman ng inaasahang kilos protesta ng mga iba’t ibang grupo ng manggagawa bilang paggunita sa Araw ng Paggawa.

Sa isang advisory, inabisuhan ng traffic enforcement unit ng MPD ang publiko na asahan na ang mabigat na trapik sa Morayta, Mendiola, Department of Labor office, Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio, at United States Embassy, dahil sa mga pagkilos na isasagawa ng mga raliyista.

Pinayuhan nito ang mga motorista na umiwas sa Mendiola at U.S. Embassy at gumamit ng alternatibong ruta para makaiwas sa trapik.

Kabilang sa mga alternatibong ruta ay ang mga sumusunod.

Mendiola:

Maaaring kumanan sa Bustillos ang mga sasakyang galing sa Legarda.
Maaari namang kumaliwa ang mga sasakyang galing sa P. Casal sa Concepcion Aguila.
Pinapayuhan namang kumaliwa o kumanan sa Rizal Avenue ang mga sasakyan sa eastbound lane ng Claro M. Recto.
US Embassy:

Pinapayuhan namang kumaliwa sa MH Del Pilar ang mga sasakyang galing sa westbound lane ng Kalaw na papunta sa southbound lane ng Roxas Boulevard.
Dapat kumaliwa naman ang mga sasakyang sa Padre Burgos na papunta sa southbound lane ng Roxas Boulevard.

“Actual closing and opening of affected roads will be based on actual traffic condition,” ani nito.

Sinabi ni MPD spokesman Supt. Erwin Margarejo na magpapakalat ang MPD ng 2,000 pulis para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

Idinagdag ni Margarejo na inaasahang 8,000 raliyista ang inaasahang lalahok sa mga rali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending