Senatoriable dinadaluhan maging local beauty pageant
DA who ang isang opisyal ng pamahalaan na dumadayo talaga maging sa lokal na beauty pageant sa pagnanais na makilala siya para sa kanyang ambisyong tumakbo sa 2019 senatorial elections.
Mismong si Mr. Official pa ang nagsabi sa kanyang social media account kaugnay ng kanyang pagdalo sa coronation night ng isang beauty pageant sa isang probinsiya.
Kamakailan, inilabas ang resulta ng isang survey kaugnay ng mga politikong pasok sa Magic 12 at maging ang mga posibleng kakandidato at kanilang ranking.
Hindi naman kagandahan ang puwesto ni Mr. Official dahil nangungulelat siya at iba pang kilalang nag-aambisyong tumakbo bilang senador.
Dahil nga sa hindi magandang ranking ni Mr. Official sa mga senatoriable, doble kayod talaga siya para makilala ng mga botante.
Bukod sa official out-of-town trips ni Mr. Official, lagare talaga ito dahil sa pagiging kulelat sa survey.
Bagamat sinasabi lagi ng opisyal na wala siyang pera para tumakbo, kinakarir naman ni Mr. Official ang pagpunta kung saan-saan para makapagkampanya.
Umaasa ang opisyal na isa siya sa mga iiendorso ni Pangulong Duterte sa 2019 senatorial polls.
Agawan na ang mga kaalyado ng administrasyon para mapasama sa senatorial lineup ng pamahalaan.
Habang hinihintay ang endorsement ng Pangulo, abala na si Mr. Official sa pag-iikot sa buong bansa.
Gusto ba ninyo ng clue? Hindi na baleng itatwa na ang opisyal sa kanyang biglang pagbabago sa ngalan ng kanyang ambisyon.
Dati kasing kilala si Mr. Official sa kanyang prinsipyo na biglang naglaho dahil sa kanyang napipintong pagtakbo.
Gets nyo na ba ang opisyal na maging lokal na beauty pageant ay hindi pinapalampas sa ngalan ng kanyang ambisyon?
Tingnan nyo na lang ang social media account ng mga opisyal at malalaman ninyo ang tinutukoy ko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.