164k pasahero ng MRT naserbisyuhan ng P2P buses
MAHIGIT sa 164,000 pasahero ang sumakay sa point to point buses na pinapabiyahe upang tulungan ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3.
Ayon sa Department of Transportation, 2,757 biyahe (trips) ang nagawa ng mga P2P buses na nakatalaga sa ibaba ng North Avenue station ng MRT3.
Ang mga P2P buses ay bumibiyahe tuwing umaga upang matulungan ang MRT3 habang kulang pa ang mga bumibiyaheng tren nito.
Mula Pebrero 1, umabot na sa 164,543 pasahero ang sumakay sa P2P.
Ang bilang naman ng mga bus na bumiyahe ay 2,283, ilan sa kanila ay nakagawa ng round trip kaya mas mataas ang bilang ng biyahe.
Naglalaro na sa 16 o 15 ang bilang ng mga tren ng MRT na bumibiyahe kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.