When your kutob is right | Bandera

When your kutob is right

Beth Viaje - April 27, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Problema ko po itong dyowa ko for two years. Nahuli ko pong may ka-text na ibang babae, tapos ayaw pang umamin.

Iba yung kutob ko, na niloloko na talaga niya ako. Di ba sabi nila iba raw pag babae ang kinutuban, totoo?

Alam ko meron siyang iba, dama ko po yun at di naman ako engot e para di mahalata iyon. Pero di ko siya kayang i-give up agad-agad. Anong gagawin ko po?
Zen, Morning Breeze, Caloocan City

 

Dear Zen,

Hay naku! Ganyan talaga tayo, e. Alam na ang dapat gawin pero hindi pa rin ginagawa. Tapos manghihingi ng payo, hindi rin naman gagawin. So anong silbi ng lahat ng sasabihin ko, hindi ba?

Alam mo na gagawin, sister, no? Kaya nagtataka ako kung bakit inilapit mo pa sa akin ang isyung ito. O, talagang gusto mo lang ng validation.

Ayan na nga ang kutob mo, di mo pa gets? Ikaw na rin nagsabi, hindi ka naman engot, di ba? Kaya huwag magpaka-engot.

Kaya, gawin mo ang dapat mong gawin. Now na. Hindi na pinatatagal yan, pag pinagpabukas mo pa ‘yan mas mahihirapan kang magdesisyon.

Pero, kung di mo siya kayang i-give-up, e, di magpaka-engot ka na lang. Dedmahin mo yang hinala mo. Tiisin mo ang kutob mong niloloko ka lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending