University of St. La Salle Bacolod nanguna sa Bar Exam 2017
NANGUNA ang isang law graduate mula sa University of St. La Salle sa Bacolod City sa 2017 bar examination, inihayag ng Korte Suprema kahapon.
Nakakuha si Mark John Simondo ng passing rate ng 91.050 porsiyente.
Ito ang unang pagkakataon sa nakalipas na 16 na taon na umabot ng 90 porsiyenyo ang nakuhang iskor ng isang nanguna sa Bar Exam.
Ang huli ay noong 2002 kung saan nakakuha si Arlene Maneja, ng UST ng iskor na 92.9 porsiyento.
Sa kabuuan, umabot lamang sa 25.5 porsiyento o 1,700 ng kabuuang 6,750 law graduates ang nakapasa sa isinagawang Nobyembre 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.