VICE nabawasan ang angas dahil kay JESSICA | Bandera

VICE nabawasan ang angas dahil kay JESSICA

Cristy Fermin - June 27, 2013 - 08:00 AM


May kuwentong nakarating sa amin na isang gabi ay nakipagkita si Vice Ganda sa mga kasamahan niya dati sa isang comedy bar. Parang nag-reunion ang tropa, si Vice ang nagbuo, siya ang sadyang may gustong magkita-kita uli sila.

Kuwento ng aming source, “Kailangan na kasi niyang gawin ‘yun dahil napapansin niya, pati ang mga kapwa niya komedyante, e, hindi na nagkakagusto sa kanya. Marami nang kuwentong lumalabas na ang pinagmulan, e, ang dati niyang circle.

“Ito kasing si Vice, mula nu’ng sinuwerte siyang magkaroon ng show, e, talagang lumipad nang pagkataas-taas. Aminado naman si Vice na mayabang siya, e.

Kaso lang, sumobra na ang kaangasan at kayabangan niya, kaya pati ang mga dati niyang kasamahan, e, inis na inis na rin sa kanya,” kuwento ng aming kausap.

Umamin si Vice na nakalimot siya sa kanyang dating mga kasama, sinabi rin niya na naapektuhan siya ng popularidad na tinatamasa niya ngayon, kaya parang naunawaan din siya ng kanyang mga kagrupo.

Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang reyalisasyon ni Vice Ganda na ang popularidad ay mabilis na nawawala, pero ang mga tunay na kaibigan ay palaging nand’yan lang, nakasuporta sa atin anumang problema ang ating suungin.

Pinakamatinding problemang dumating sa kanya ang naging reaksiyon ng publiko nang bastusin niya ang respetadong news anchor na si Jessica Soho, hindi siya nakalusot du’n, talagang iniihaw siya nang sunog na sunog ng ating mga kababayan nang dahil du’n.

Kapag may hawak nang mikropono si Vice Ganda ay akala mo na siya nagta-target shoot. Putok na lang siya nang putok, ang lahat ng mapasadahan niyang personalidad ay nagiging target para sa kanya, kaya maraming nagsasabing umoober da bakod na ang kanyang kaangasan.

Mayabang siya, sige na nga, pero ang ganu’ng ugali ay nakikinis pa rin. Ang totoo ay nalunod si Vice Ganda sa isang kutsarang tubig. Pumasok sa kanyang ulo ang mga palakpak, ang mga halakhak, kaya tinangay siya ng hangin ng kayabangan paitaas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending