Paolo aaminin sa anak ang tunay na pagkatao: Feeling ko naman alam na! | Bandera

Paolo aaminin sa anak ang tunay na pagkatao: Feeling ko naman alam na!

Reggee Bonoan - April 24, 2018 - 12:05 AM

SOLENN HEUSSAFF, MARCUS CABAIS AT PAOLO BALLESTEROS

SAYANG at wala sina Direk Erik Quizon at Maricel Soriano sa mediacon ng “My 2 Mommies” last Saturday dahil siguradong mas naging riot at masaya ang question and answer portion.

Nasa Hongkong daw si direk Erik habang si Maria naman ay may ibang event. Siguro’y nais din ng Diamond Star na ibigay ang moment kina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff pati na rin kay Joem Bascon at sa baguhang child actor na si Marcus Cabais.

Hawig sa tunay na buhay ni Paolo ang kuwento ng “My 2 Mommies” dahil may anak na rin siyang babae na nine years old na ngayon.

Sa kuwento ng pelikula ay nagkaanak sina Paolo at Solenn, na gagampangan nga ni Marcus. Isang malaking hamon ito para sa karakter ni Pao – paano niya ipakikilala ang sarili sa anak at paano niya aaminin na siya’y bakla at may karelasyong lalaki (Joem).

Natanong si Paolo sa presscon kung paano niya ipinakilala ang sarili sa anak niyang si Keira at kung hirap ba siyang palakihin ito dahil sa sexual preference niya.

“Unang-una, mahirap para sa akin ang maging tatay kasi hindi ko kasama nasa mommy niya. Pero of course, hindi ko naman nakakalimutan ang responsibilities ko. Tapos ‘yung struggle, oo struggle talaga.

Pero ngayon, modern na ang mga bata especially sa social media, I’m sure alam nila ‘yung mga bagay na ganyan.

“Wala pa naman siyang tinatanong, unless magtanong na siya, wala naman akong magagawa, eh (sasabihin ang totoo). Pero dati pa naman nakikita na niya ‘yung mga make up ko sa bahay, hindi ko naman tinatago, nasa cabinet lang.

“Tapos mga closet ko bukas lang, ginagawa niyang laruan ‘yung mga wig ko, mga high heels ko. I’m sure naiisip na rin niya ‘yun na, ‘ang galing naman niya mag-make up!’ Ha-hahahaha! When the time comes, ready naman ako,” pahayag ng aktor.

Siniguro naman ni direk Erik na pang-General Patronage ang mga eksena sa movie kahit may pagka-naughty ito at puwedeng panoorin ng mfa bata bukod pa sa pang-Mother’s Day presentation ito ng Regal Films.

Sabi ni Paolo, “Meron lang magkatabi kami sa kama ni Joem, ‘yung the usual na ginagawa (ng gay couple), hanggang doon lang. Walang flashback kung paano namin nabuo ni Solenn si Marcus.”

Nagkuwento rin si Paolo kung bakit bilib na bilib siya kay Solenn, “Sobrang professional niya as in. At masaya naman kami sa set kasi mabilis si direk Erik mag-shoot kaya maaga kaming natatapos,” pahayag ng aktor.

Mapapanood na ang “My 2 Mommies” sa Mayo 9, nationwide under Regal Films.

***

Nabaliw ang entertainment press sa mga sagot ng child actor na si Marcus Cabais sa tanong kung aware siya sa sitwasyon ng isang bata kung saan may dalawang mommy at dalawang daddy, tulad ng kuwento ng “My 2 Mommies”

“It’s feels so weird because that’s inappropriate, I mean it’s a unique story to have two dads and two moms at the same time. I can’t explain but it’s really unique. I mean no movies are like that,” diretsong sabi ni Marcus.

English speaking ang bagets pero ipinanganak siya rito sa Pilipinas kasama ang kanyang mga magulang.

Nag-aaral siya sa Masters Academy Home School sa Ortigas, Pasig.

Sa mga hindi nakakaalam ay sumali si Marcus sa Mini Me Season 2 sa It’s Showtime noong 2015 at limang taong gulang palang siya noon.

Base sa napanood naming video clip ng programang sinalihan ni Marcus ay fluent pa siyang magsalita ng Tagalog kaya nakapagtataka na pagkalipas ng tatlong taon ay hindi na siya masyadong makabigkas ng sariling wika.

International school kasi ang home school ni Marcus kaya siguro nasanay siyang magsalita ng English.

Nanalo rin siya sa SM Little Star noong 2016 at naging bahagi rin ng Cartoon Network Ultimate Rockstar 2017 Team Yey noong 2018. Baka isa rin ito sa dahilan kaya nahasa ng husto ang bagets na tubong Balanga, Bataan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, si Marcus nga ang gaganap na anak nina Solenn at Paolo sa “My 2 Mommies” t base sa trailer ng pelikula ay talagang mahusay umarte ang bagets at posibleng malayo ang marating nito dahil mahusay din siyang performer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending