P400M buwanang komisyon ng Grab bawasan para kumita ang driver | Bandera

P400M buwanang komisyon ng Grab bawasan para kumita ang driver

Leifbilly Begas - April 23, 2018 - 05:01 PM
Maaari umanong lumaki ang kita ng mga driver ng Grab kung babawasan ang kita ng kompanya. Sinabi ni PBA Rep. Jericho Nograles na 20 porsyento ang komisyon na natatanggap ng Grab sa bawat biyahe ng mga sasakyan na accredited nito. Sa pagtataya nito ay maaari umanong umabot sa P400 milyon ang gross commission. “Mas magaling pa kayong kumita kaysa sa [tubong] lugaw,” ani Nograles.
Kung totoo umano na mahal ng Grab ang mga driver nito, ang dapat nitong gawin ay bawasan ang komisyon na kinukuha nito sa halip na magpatong ng P2 per minute charge sa mga pasahero. “Brian Cu and Grab are very consistent when they said na mahal na mahal nila ang kanilang drivers. I would like them to prove their love by slashing their commission, kaya naman nila.” Ang driver/operator ang sumasagot sa maintenance ng sasakyan at nagbabayad sa rehistro nito at hindi ang Grab kaya masasabi na ang ginastos lamang umano nito ay ang computer management. Kung umaabot umano sa 2.5 milyon ang lingguhang biyahe ng mga sasakyan ng Grab at ang average na pasahe ay P200, aabot sa P400 milyon ang komisyon nito kada buwan. Kung ibibigay nila ang P200 milyon sa mga driver malaking tulong ito. “So Grab kung mahal ninyo ang inyong mga driver, ibigay ninyo ang kalahati ng commission n’yo sa inyong drivers. Imagine ang Grab may P400 million per month, ang driver umuuwi na lugi sa gas at oras at kanila pa ang maintenance ng sasakyan at hulog nito.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending